Netizen, nagbigay babala patungkol sa kumakalat na suklay na pwedeng maging kutsilyo

Netizen, nagbigay babala patungkol sa kumakalat na suklay na pwedeng maging kutsilyo

- Viral ang post ng netizen na nagpapakita ng suklay na may kutsilyo pala sa loob

- Magsilbing babala raw sana ito sa publiko lalo na sa mga paaralan

- Di rin naiwasan na masisi ang nakaisip ng ideyang ito kahit pa makatutulong daw ito lalo na sa mga kababaihan

Labis na nakaaalarma ang post ng netizen na si Yeoj Thals kung saan pinakita niya ang larawan ng ilang suklay na ang loob pala ay patalim.

Nakalagay sa caption ng post na "Calling the attention of: School principal, school teachers, security guard, mall etc."

Nalaman ng KAMI na isa itong babala na may kumakalat na ganitong klaseng suklay na marahil daw ang intensyon ay bilang depensa ng mga kababaihan.

Ngunit tila mas delikado ang ganitong konsepto dahil maari rin daw itong gamitin ng mga masasamang loob.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nabahala ang mga netizens na nakakita ng post na ito at sana raw ay itigil na ang paggawa nito.

Mainam din na maging mapagmatyag lalo na sa mga kababaihan dahil maaring kapwa nilang babae na mayroon ng ganitong suklay at sila mismo ang paggamitan ng mga ito.

Umabot na sa 138,000 ang pagbabahagi ng post na ito na magsilbing babala sa madla.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Prank: Free Money! Catch It, If You Can | HumanMeter

Money is such a crazy thing: here today, gone tomorrow! Right?

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel