Mag-ama, inulila ng kanilang ilaw ng tahanan dahil sa 'di inaasahang pangyayari

Mag-ama, inulila ng kanilang ilaw ng tahanan dahil sa 'di inaasahang pangyayari

- Nag-viral ang kuwento ng isang tatay matapos pumanaw ng kanyang asawa na bagong panganak

- Binahagi niya sa social media ang nangyari sa kanyang asawa

- Maraming netizens ang nagbigay ng komento sa kanilang malungkot na kuwento

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang kuwento ng isang netizen ang pumukaw sa damdamin ng maraming netizens matapos niyang ibahagi ang pagpanaw ng asawa niyang bagong panganak.

Nalaman ng KAMI na kuwinento ni Mathew Velarde ang nakakalungkot na sinapit ng kanyang asawa na si Aby sa isang Facebook post.

Namatay si Aby matapos nitong manganak under caesarean delivery at naulila niya ang asawa niyang si Mathew at ang kanilang baby.

Ayon sa kuwento ni Mathew, dinugo si Aby pagkatapos nitong manganak kaya sinalinan ito ng dugo. Nagkaroon din daw ng tubig sa baga kaya mas lalo pang lumala ang kanyang kondisyon.

Makalipas ang 2 linggo, pinauwi na rin sila sa bahay. Buong akala nila na okay na ang lahat pero hindi pa pala lubusang magaling si Aby.

Minsan pa ngang natumba na lang ito bigla habang hawak ang kanilang baby.

Isang araw ng pag-uwi ni Mathew sa bahay, sinugod na pala si Aby sa ospital at doon nadatnan niya itong nire-revive.

Pero sa kabila ng lahat, pumanaw pa rin ito at iniwan ang kanyang mag-ama.

"Nung nilapag kosya may tumulo pa luha sakanya kaya lalo ako umiyak at hinalikan nanaman sya," saad ni Mathew.

Ayon sa mga doktor, ang cause of death daw ni Aby ay ang paglaki ng puso nito.

Read his full post below:

Maraming netizens ang nalungkot sa sinapit ni Aby at sinabing magpakatatag si Mathew para sa anak nila.

"Dapat sa ospital na tumanggi sa asawa nya dapat na makulong kaylangan ng hustisya"
"Napakasakit! Condolences and be brave for your child."
"It brought tears to my eyes Just be brave man. Do it for abby and for your baby. God will definitely help you."
"Ang lungkot. RIP. I’m so sorry for your loss. My condolences to you and Abby’s family."
"Condolences. Na enklamsya ang misis mo sad to say.. may she rest in peace"
"I read you’re story sobrang nakakaiyak a wonderful love story. Goodluck Godbless"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, nagsalita na sa wakas ang lalaking nag-viral dahil sa pinost niyang kakaibang driver's license.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this video of Public Pranks, we tricked people into catching free money! Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel