103-anyos na lola, kinaya pa ring tumakbo ng 100-meter dash

103-anyos na lola, kinaya pa ring tumakbo ng 100-meter dash

- Kinaya pa rin ng 102-anyos na lola na tumakbo ng 100-meter dash

- Ilang taon na niya itong ginagawa at wala pa rin siyang planong tumigil

- Tamang timbang at aktibong pamumuhay ang kanyang sikreto sa mahabang buhay at malusog na pangangatawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tunay na kahanga-hanga ang 102-anyos na si Julia “Hurricane” Hawkins dahil sa patuloy niyang pagtakbo sa kabila ng kanyang edad.

Binahagi ng The New York Times na muli na namang napagtagumpayan ni "Hurricane" ang 100-meter dash sa isinagawang National Senior Games sa Albuquerque.

Nalaman ng KAMI na tinapos niya ito sa loob ng 39.62 na kung tutuusin, bumagal pa raw ito ng nasa anim na segundo. Depensa naman niya baka raw nalilimutan nilang tumanda rin siya ng dalawang taon pa mula nang huli niya itong ginawa.

Si Julia ang tinuturing na pinakamatandang mananakbo sa American track ayon sa organisasyong nagpasinaya ng Senior Games.

Nakamamanghang kung kailan pa siya tumanda, saka siya nahilig sa pagtakbo na wala rin daw siyang balak tigilan hangga't kaya pa ng kanyang pangangatawan.

Video mula sa ESPN

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naglalakad-lakad siya bilang ensayo at bilang ehersisyo na rin sa araw-araw.

Sinisiguro rin niyang nasa tama ang kanyang timbang at patuloy pa rin siya sa iba't ibang gawain tulad ng pag-aalaga ng mga halaman niya sa kanyang hardin.

Hilig din niya ang pagbabasa na siyang dahilan kumbakit matalas pa rin ang kanyang pag-iisip.

"Keep yourself in good shape if you can. Have many passions. And look for magic moments. That is something that I have done in my life — think of the things that are magic moments that happen to you, like sunsets and sunrises, rainbows, beautiful birds, music and people’s lovely comments to you. All of those are magic moments and they are free for all. Be sure to keep your eye open for them," pahayag ni Julia na nagsisilbing inspirasyon sa marami.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Prank: Free Money! Catch It, If You Can | HumanMeter

Money is such a crazy thing: here today, gone tomorrow! Right?

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel