Anak, pinalayas ng kabit ng ama, pero si tatay na 'under de saya' walang ginawa

Anak, pinalayas ng kabit ng ama, pero si tatay na 'under de saya' walang ginawa

- Isang anak ang dumulog sa Wanted sa Radyo dahil pinalayas siya ng kabit ng ama

- Si tatay naman ay walang ginawa at umokay naman na pinalayas ang sariling anak

- Sa kalaunan napagtanto ni Idol Raffy na "under de saya" pala si tatay ng kanyang kabit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog si Aira Joy Ann Garzon, 19, sa Wanted sa Radyo, dahil pinalayas siya ng kabit ng kanyang amang si Sonny Garzon.

Nalaman ng KAMI na iniwan na sila ng tatay niya at ang nanay nila ang mag-isang bumubuhay sa kanila.

Wala ring ginawa si tatay nang palayasin ng kabit ang anak, kung kaya naman pati si Idol Raffy ay umalma sa pagwalang-kibo ni tatay.

Sabi ni tatay, matigas daw ang ulo ni Aira at sa mga barkada sumasama.

Pero sagot naman ni Aira ay alam ng ama niya kung kaninong kaibigan siya sumasama at nag-aaral naman siya nang mabuti.

Si Idol Raffy nagbigay na rin ng kanyang opinyon tungkol kay Kuya at ang totoo'y under de saya daw si kuya kay kabit.

Nagtatrabaho siya sa canteen na pagmamay-ari ng babae at binibigyan laman siya ng sahod na P500.

Siyempre, kung ano yung sinasabi ni kabit ay iyon ang nasusunod.

Panoorin kung paano pinarangalan ni Idol Raffy si Kuyang under de saya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel