Aktwal ng kuha sa kakaibang cloud formation, agaw pansin sa socmed

Aktwal ng kuha sa kakaibang cloud formation, agaw pansin sa socmed

- Agaw eksena ang larawan ng 'rare cloud formation' na nakuhaan mismo ng larawan

- Sa unang tingin aakalaing sinadya itong gawin ng isang pintor kung di pa nila malalamang naganap talaga ito

- Inihalintulad ito sa sikat na painting ni van Gogh na starry night

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang namangha sa rare cloud formation na nakunan mismo ng larawan.

Binahagi ng Inquirer pop ang larawang kuha ni Amy Christie Hunter, isang photographer na tubong Virginia sa USA.

Natuwa raw si Amy nang makita ang mga ulap na malaki ang pagkakahawig sa sikat na obra ni Vincent van Gogh na "Starry night."

Tinawag nila itong "Tsunami clouds" dahil sa hugis nitong parang mga sunod-sunod na alon.

Pinadala ito ni Amy sa isang news station sa kanila at doon napag-alaman niyang ayon sa meteorologist na nakakita nito, "rare" ang clouds formation na ito.

Ayon sa Earthsky, tinatawag ang formation na ito na Kelvin-Helmholtz waves. Nabubuo raw ang mga ganitong ulap dahil sa pabago-bagong bilis ng bilis ng hangin sa kalawakan.

Kaya naman mapapansing nagmistulang alon ang mga ito dahil mas mabilis ang galaw ng direksyon ng hangin sa itaas na bahagi ng ulap kaysa sa ibaba.

Samantala, namangha naman ang mga netizens na nakakita ng larawan na ito. Sa una raw kasi, inakala nilang painting ang aktwal na larawang nag-viral.

Aktwal ng kuha sa kakaibang cloud formation, agaw pansin sa socmed

source: Amy Christie Hunter
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"I don't believe it for a second. The sky is beautiful without people creating "enhanced" skies"
"look at this. Van Gogh is really busy up there"
"Amazing, beauty of nature!"
"Oh my god this is so amazing, is this real?"
"Great timing! i believe it's rare..."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Prank: Free Money! Catch It, If You Can | HumanMeter

Money is such a crazy thing: here today, gone tomorrow! Right?

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel