Dating 'Luv U' star ng Kapamilya, isa ng doktora ngayon

Dating 'Luv U' star ng Kapamilya, isa ng doktora ngayon

- Isa ng doktora ang dating kilalang 'Luv U' star ng Kapamilya network

- Sa pamamagitan ng social media ay ibinahagi ni Angeli Gonzales ang kanyang tagumpay

- Nakilala siya sa pagganap bilang si April Muñoz sa nasabing teen comedy series

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isang magandang balita ang naispatan ng KAMI at ito nga ay pagtatagumpay ng dating 'Luv U' star ng Kapamilya na maging doktora ngayon.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page ay ibinahagi ni Angeli Gonzales ang tagumpay na nakamit at ang kuwento sa likod nito.

Bungad pa sa kanyang mahabang post:

“Bakit nag-doctor ka pa, e artista ka na?”

Ito naman daw ay tinutugunan niya minsan ng pabiro at minsan naman daw totoo.

"Parang everyday ko ata naririnig yan. Pabiro kong sinasagot, 'Hindi ko nga din po alam. Mali-mali ata desisyon ko sa buhay!' Minsan joke, minsan totoo. Mahirap daw kasi mag-aral ng Med. Minsan gusto ko sabihin, 'hoy! Mahirap din magartista ha!.'"

Sa pagpapatuloy ng kanyang post ay ibinigay niya ang paghanga at karangalan sa kanyang pamilya.

"My journey was certainly an interesting one. Sino ba naman kasi talaga ang nagexpect na magdodoctor talaga ako? Gusto ko lang sabihin na it wasn’t me or it wasn’t just me. It was the collective experiences I had that made me who I am today. First of all, even while I was an actor growing up, my parents placed utmost importance on my education. Sila talaga ang dapat hangaan because of how they handled everything and how they raised me. I didn’t have a lot of teleseryes or movies because they only scheduled tapings and shoots during the weekends. May weekdays man, after school pa. Swerte lang din siguro talaga ako because my family didn’t depend on my career for a living."

Nagbigay naman siya ng pasalamat sa lahat ng tao na nakatrabaho niya sa Kapamilya network dahil sa pag-intindi sa kanya.

Ani pa ni Angeli:

"Kung swerte lang din naman, swerte din ako sa mga nakatrabaho ko sa ABS-CBN. From MTB, Home Along da Riles, MMK, Wansapanataym to LuvU and Got to Believe, the cast and the production of every show I worked with understood that I had dreams outside of showbiz at lahat talaga sila inintindi kapag kailangan late calltime ko kasi may pasok ako or kapag kailangan early pack-up ako kasi may exams ako the next day. Thank you to all the people I’ve worked with before."

Nagpasalamat din siya dahil nakapag-aral siya sa isa sa kilalang eskwelahan sa bansa at sa lahat ng tao na nakasama niya sa pag-aaral.

At muli ay nagbigay pugay siya sa kanyang pamilya

"And of course, pwede ba namang matapos ang mala-valedictorian kong speech ng di ko sinasabi na napakaswerte ko sa pamilya ko? I am very very lucky for the family I have. Thank you Mommy, Daddy, Ate, Kuya and Fr. Jojo. You were the ones who saw the ugly side of Medicine through me - the grumpiness, the tears, the 'pagod na pagod na ako' lines, the heartbreaks, the 'ayoko na po mag-aartista na po ulit ako,' the binge-eating, and the uncontrollable crying at 2am in the morning. Thank you for always being there to comfort me and for saying 'Kaya mo yan Gel! Bukas ka na umiyak, aral ka muna ngayon!' or my personal favorite 'Good luck sa exam! San mo gusto kumain after?' Thank you for being more than my family. Thank you for being my comfort. Thank you for being my home. All of you are the reason that I finally have the three stripes on my toga."

Sa huli ay nagpasalamat siya sa panginoon sa tagumpay niyang ito at sa huli ay sinulat niya ang kanyang kursong natapos at mga awards na natanggap.

Kaye Angeli H. Gonzales, RMT, MLS(ASCPi), MD

Outstanding Clinical Clerk, Family and Community Medicine

Special Citation for Academic Excellence

Doctor of Medicine

De La Salle Medical and Health Sciences Institute

Class of 2019

Kamakailan, masaya ding ibinahagi ni Jason Dy ang kanyang pagtatapos sa kolehiyo.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel