Kakulangan sa tulog, isa sa tinuturong sanhi ng depresyon ayon sa pagsasaliksik

Kakulangan sa tulog, isa sa tinuturong sanhi ng depresyon ayon sa pagsasaliksik

- Puyat ang isa sa maaring dahilan ng pagkabalisa, iritable at ang malala ay depresyon

- Malaking bagay ang maayos na tulog sa kalusugan ng isang tao kaya naman ang pagpupuyat ay mayroon talagang di magandang epekto sa katawan

- Makakatulog ang tinatawag na power nap o pag-idlip kung may pagkakataon para lamang makapagpahinga ang katawan kahit pansumandali lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa tila lumalalang kaso ng depresyon maging sa ating bansa, isa sa tinuturong posibleng dahilan nito ay ang kakulangan sa oras ng tulog o pagkapuyat.

Sa ulat ni Katrina Son ng GMA news, lumabas sa sinagawang pananaliksik sa USA na malaki ang epekto ng pagpupuyat sa kalusugan ng tao.

Lumabas sinagawang pagsusuri ng isang grupo mula sa grupo ng University of Arizona, 20 porsyento ang maaring makaranas ng iba't ibang mental health problems lalo na ang mga estudyanteng nasa kolehiyo na madalas magpuyat.

Malaking bagay na makumpleto ang walo hanggang sa siyam na oras na tulog. Dito, nakakapanumbalik ang ating katawan ng enerhiya na nawala sa atin sa maghapon.

Kakulangan sa tulog, isa sa tinuturong sanhi ng depresyon ayon sa pagsasaliksik
source: GMA news
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Matindi rin ang epekto ng puyat sa emosyon ng isang tao. Mapapansing iritable, balisa at madaling magalit at ang malala ay ang pagkakaroon ng depresyon ng taong laging kinukulang sa tulog.

"The reasoning brain is affected by the lack of sleep. So kung affected ang reasoning brain—yun ang nagko-control ng emotional brain, yung amygdala—so kung kulang ka sa tulog, hindi mo rin mako-control yung emotions mo,” pahayag ni Cristina Lope Y. Rosello, isang existential-phenomenological psychologist.

Dahil dito, nagbigay din sila ng ilang mga tips sa kung paano makakmit ang maayos na pagtulog.

Una na rito ang pagbitiw sa anumang gadgets ilang oras bago matulog. Maari ding uminom ng gatas kung kinakailangan para sa mas mahimbing na pagpapahinga.

Mas mainam ding nakapatay ang ilaw ng silid kung matutulog para sa mas maayos na pamamahinga ng mga mata.

Kung di maiiwasan ang madalas na pagpupuyat, maaring mag-power nap o umidlip kung maari upang kahit na paano ay makaranas ng panandaliang pamamahinga ang katawan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Prank: Free Money! Catch It, If You Can | HumanMeter

Money is such a crazy thing: here today, gone tomorrow! Right?

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica