Plastic, pambayad kapalit ang damit, bigas, delata at laruan sa isang tindahan sa Cebu

Plastic, pambayad kapalit ang damit, bigas, delata at laruan sa isang tindahan sa Cebu

- Isang tindahan sa Cebu ang tumatanggap ng mga plastic na itatapon na kapalit ng mga iba't ibang karaniwang pangangailangan sa araw-araw

- May katumbas na bigat ng plastik bago maipalit ito ng bigas, delata, damit at maging laruan sa mga bata

- Marami ang tumatangkilik sa proyekto na ito dahil bukod sa malaking tulong ito sa iba, nababawasan din ang basura na siyang malaking problema na ng ating mundo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon ang isang konsepto ng tindahan sa Cebu na tumatanggap ng mga plastic kapalit ang iba't ibang mga gamit na kinakailangan pangaraw-araw.

Ayon sa ABS-CBN, tinawag ang tindahan na itong Plastic Barter Store na matatagpuan sa Cebu city.

Ang mga nilinis na plastic bottles o anumang plastic containers ay kikiluhin at ipapalit ng kung anumang gamit ang nais basta pasok sa katumbas ng iyong dala.

Halimbawa, ang isang kilong bigas ay katumbas ng apat na kilo ng plastic.

Proyekto ito ng 12 baskets movement sa Cebu na naglalayong mabawasan ang mga plastic na itatapon upang magamit pa sa ibang bagay.

Dinadala ang mga ipinalit na plastic sa Dumlog, Talisay City kung saan sila ay may makinarya na maaring maghalo nito sa semento.

Plastic, pambayad kapalit ang damit, bigas, delata at laruan sa isang tindahan sa Cebu

source: ABS-CBN news
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Gagawin nila itong hallow blocks na nagkakahalaga naman ng ₱12 isa.

Labis na kahanga-hanga ang proyekto na ito dahil bukod sa nababawasan ang mga plastic na naitatapon kung saan-saan lamang, nagagamit pa ito upang makagawa ng gusali.

Pawang mga indibidwal na nangangailan lalo na ang hirap itawid ang pang-araw-araw na gastusin at pangangailangan ang target ng proyekyo kaya di muna tumatanggap ng plastic mula sa mga kompanya ang tindahan.

Bukas ang Plastic Barter store Lunes hanggang Sabado, 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning.

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel