22-anyos na magtatapos ng kursong Food Tech, pinaka-unang summa cumlaude ng UP Mindanao

22-anyos na magtatapos ng kursong Food Tech, pinaka-unang summa cumlaude ng UP Mindanao

- Kinilala na ang kauna-unahang summa cumlaude ng University of the Philippines Mindanao

- Siya ay si Pete Maverick Nicole Estudillo na magtatapos ng kursong Bachelor of Science major in Food Technology

- Sinasabing siya ang sagot sa matagal nang dalangin ng unibersidad na magkaroon ng ganitong parangal mula sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang humanga at napabilib sa 22 anyos na si Pete Maverick Nicole Estudillo nang i-anunsyo ng University of the Philippines Mindanao campus na siya ang kauna-unahang summa cumlaude ng kanilang unibersidad.

Magtatapos si Pete sa Biyernes, sa kursong Bachelor of Science major in Food Technology na mayroong average na 1.1971.

Ito raw ang pinakamataas na markang nakuha sa paaralan mula pa noong 1995.

Sumunod na sa kanya ang nasa 13 na mga magna cumlaude at 80 na cumlaude mula sa mga 352 na magsisipagtapos sa naturang unibersidad ngayong taon.

Sa panayam sa kanya ni Renz Ybañez ng MindaNews, di raw inakala ni Pete makakamit niya ang pinakamataas na karangalan mula sa unibersidad.

“When I passed UPCAT, I didn’t think of uno, I just like ‘Okay, If I pass my subjects that could be fine.’ I thought that I passed UPCAT, the hardest exam in the Philippines. So it’s okay if I don’t rank that high,” pahayag ni Pete.

22 anyos na magtatapos ng kursong Food Tech, pinaka-unang summa cumlaude ng UP Mindanao

source: Philippine Star
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Walang pagsidlan ang kaligayahang kanyang nadarama lalo pa siya ang sagot sa matagal nang pinapanalangin ng paaralan bilang kauna-unahang summa cumlaude.

Gaganapin ang Commencement Exercises Hunyo 21 sa ganap na ika-7 ng umaga sa University Atrium, UP Mindanao Administration Building, Mintal Davao City.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning.

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Marjorie Barretto, may resbak tungkol sa kumakalat na photos nina Julia Barretto at Gerald Anderson

Marjorie Barretto, may resbak tungkol sa kumakalat na photos nina Julia Barretto at Gerald Anderson

Marjorie Barretto, may resbak tungkol sa kumakalat na photos nina Julia Barretto at Gerald Anderson
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel