Binyag ng bunso nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, inulan ng madaming ninang at ninong

Binyag ng bunso nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, inulan ng madaming ninang at ninong

- Inulan ang binyag ng bunso nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ng madaming ninang at ninong

- Super blessed nga si baby Kai dahil ani pa sa balita nasa mga 52 raw ang godparents niya

- Kaya naman tinawag itong "Baptism of the Year" ng naturang news source

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Trending ngayon ang pag-ulan ng madaming ninang at ninong sa binyag ng bunso nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez na si Kai at spotted ng KAMI kung gaano karami sila.

Napuno ng iba't ibang personalidad ang binyag ni Kai, at ayon pa sa balita na nakuha namin mula philstar.com, 52 daw "all in all" ang mga ninang at ninong ng celebrity baby na nagmula sa larangan ng showbiz, politics, business, at sports.

Kaya naman tinawag nila ang naturang bautismo bilang "Baptism of the Year."

Sa sobrang dami nga raw ay hindi na magkasya sa stage ang lahat, sambit pa ng mga netizens.

Kabilang sa mga ninang at ninong ay sina Senator Bong Go, Bea Alonzo, Lucio Tan, Sec. Salvador Panelo, Atty. Anna Teresa Gozon Valdez, Janine Gutierrez, James Yap, Mariel Padilla, Assunta de Rossi, Ricky Davao, Narvacan Mayor Chavit Singson, Dingdong Dantes, at marami pang iba.

Viral din ngayon ang gorgeous OOTD langoy look ni Sarah Lahbati sa online world na ibinahagi namin, kamakailan lang.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel