10-buwang-gulang na sanggol, nagkaroon ng meningitis mula sa 1 shopping cart

10-buwang-gulang na sanggol, nagkaroon ng meningitis mula sa 1 shopping cart

-Nang dahil lang sa isang shopping cart, muntik nang mapahamak ang isang 10-gulang na sanggol

-Labis na nag-alala nanay nito sa naging kondisyon ng bata lalo pa at noong una ay tila 'di malaman kung anong dumapo rito

-Kaya naman nagbabala ito sa iba pang mga magulang na mag-ingat sa bagay na mahahawakan ng mga bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Wala naman daw ibang pinuntahan ang ginang na si Vivienne Wardrop kasama ang anak na si Logan maliban sa supermarket.

Pagkatapos nito ay nakaranas na ang 10-buwang-gulang na sanggol ng pagtatae, pagsusuka at mataas na lagnat.

Dahil sa palala ng kondisyon ni Logan ay agad niya itong isinugod sa ospital ngunit kinailangan pang ilipat sa mas malaking ospital.

"We were scared we were going to lose [him]. It didn't seem like [the doctors] were able to get him under control because they didn't know what was wrong with him," anito sa panayam sa Daily Mail Australia.

Labis ang pag-aalala nito dahil noong una ay tila hindi pa malaman ng mga doktor ang sakit na dumapo rito.

Ayon pa sa ginang, nagsasara na ang mga ugat ng bata kapag sinusubukang lagyan ng karayom dahil sa dehydration.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kinalaunan, napag-alamang nagkaroon ito ng meningitis, isang matinding bacterial infection.

Ayon naman sa mga doktor, posibleng sa supermarket nakuha ng bata ang sakit.

“I hadn't been anywhere with him in a week so doctors advised [the shops are] only place he could of gotten it,” anito.

“I didn’t even think about it, [I] popped him in [the baby seat] and did a quick shop,” dagdag pa nito.

Sa kabutihang-palad ay naging maayos naman si Logan bagamat nagtagal pa ito sa ospital ng ilang araw para maka-recover.

Kaya naman, nagbabala ng ginang sa iba pang mga magulang sa pamamagitan ng social media na mag-ingat sa mga bagay na mahahawakan ng mga bata.

10-buwang-gulang na sanggol, nagkaroon ng meningitis mula sa 1 shopping cart

Photo source: Google Images/Photo for illustration only
Source: Getty Images

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Independence Day: Would You Destroy Filipino Flag For Money? On June 12 we celebrate Philippines Independence Day. Let us see how seriously our people treat this holiday. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Babae, naparalisa dahil sa stress at labis na pagtatrabaho

Babae, naparalisa dahil sa stress at labis na pagtatrabaho

Babae, naparalisa dahil sa stress at labis na pagtatrabaho
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel