Fitspiration! Dating 220 lbs. dad bod, naging hot daddy na

Fitspiration! Dating 220 lbs. dad bod, naging hot daddy na

-Mula sa bigat na 220 lbs., naging hot na hot na daddy na si daddy Albert

-Ang kanyang fitness goals ibinahagi niya para sa iba

-Anito, naging dahilan para baguhin niya ang kanyang lifestyle ay ang kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umabot raw sa tatlong taon bago na-achieve ng daddy na si Albert Goquingco ang kanyang hot na hot na body ngayon.

Anito, hindi naging madali ito para sa kanya lalo pa umabot ang bigat niya ng 220 lbs.

Sa panayam rito ng Kapuso program na Pinoy MD, inamin naman nito dahil sa kanyang unhealthy lifestyle kung kaya napabayaan niya ang kanyang sarili.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Minsan pa nga raw siyang na-ospital dahil sa hika at mataas na blood sugar. Dahil dito kinailangan niyang uminom ng maintenance sa loob ng anim na buwan.

Hirap din daw siyang pumili ng mga damit na babagay sa kanya. At kahit na nakaupo lamang ay may pagkakataong mataas ang kanyang blood pressure.

Taong 2012 nang ikasal si daddy Albert at nang isinilang na ang kanyang panganay na anak ay doon daw siya napa-isip.

Dahil sa pagnanais na makasama pa ang mga mahal sa buhay sa mahabang panahon, nagsimula si Albert na ayusin ang kanyang lifestyle.

Regular siyang nagpunta sa gym at sa kasalukuyan ay limang beses siyang naroon para sa kanyang work out.

Mas naging maingat na rin daw siya sa kanyang diet.

Aminado man siya na noong una ay nagkaroon pa siya ng agam-agam sa sarili kung kakayanin niya, masaya si daddy Albert sa resulta ng kanyang tiyaga.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Independence Day: Would You Destroy Filipino Flag For Money? On June 12 we celebrate Philippines Independence Day. Let us see how seriously our people treat this holiday. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel