Bangkay ng OFW na nasawi sa paragliding sa Georgia, naiuwi na sa bansa

Bangkay ng OFW na nasawi sa paragliding sa Georgia, naiuwi na sa bansa

-Naiuwi na sa bansa ang bangkay ng OFW na nasawi sa paragliding sa Georgia

-Ayon sa ina nito, puno ng mga galos ang katawan ng anak

-Malaki ang panghihinayang nito lalo pa at responsable itong anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naiuwi na sa bansa ang mga labi ng overseas Filipino worker (OFW) na nasawi sa paragliding sa Gudauri sa Georgia kamakailan.

Ayon sa mga reports, nasawi ang 38-anyos na si Bryan Vale De Guzman matapos na mag-malfunction ang paraglider na gamit nito.

Dahil dito, bumagsak ang katawan ni De Guzman sa mabatong ilog sa lugar.

Naiuwi na ang bangkay nito sa pamilya nito sa Zamboanga City.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon naman sa panayam sa nanay nito, puno ng mga galos ang katawan ng anak na posibleng nakuha nito sa aksidente.

“Maraming pasa sa legs, dahil siguro kung saan sila nahulog rocky, maraming rocks, ‘yun ang cause bakit marami siyang pasa sa katawan,” sabi ng ginang sa ABS-CBN News.

10 taon nang OFW si De Guzman sa Saudi Arabia at ito ang unang pagkakataon nito na makapunta sa Georgia kasama ang mga kaibigan para magbakasyon.

Malaki naman ang panghihinayang ng nanay nito dahil lubhang mabait at responsable daw ang kanyang anak.

“Very thoughtful, monthly nagpapadala ng support sa amin dito. Very supportive talaga, very responsible talaga ng anak ko,” anito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Independence Day: Would You Destroy Filipino Flag For Money? On June 12 we celebrate Philippines Independence Day. Let us see how seriously our people treat this holiday. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Marjorie Barretto, may resbak tungkol sa kumakalat na photos nina Julia Barretto at Gerald Anderson

Marjorie Barretto, may resbak tungkol sa kumakalat na photos nina Julia Barretto at Gerald Anderson

Marjorie Barretto, may resbak tungkol sa kumakalat na photos nina Julia Barretto at Gerald Anderson
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel