Pagbili ng magkakaibigan ng kotse para sa isa nilang tropa, agaw eksena sa Twitter

Pagbili ng magkakaibigan ng kotse para sa isa nilang tropa, agaw eksena sa Twitter

- Viral ang tweet kung saan isang grupo ng magkakaibigan ang nagtulong-tulong makabili ng sasakyan ang isa nilang kaibigan

- lagi raw kasing dinadaanan lamang ang tropa nilang ito na walang sariling sasakyan

- Umabot sa 7,900 retweets at 19,00 likes ang naturang video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng Twitter user na si @Asanda_Goduka ang nakakantig na video ng magkakaibigan na naisipang bilhan ng sasakyan ang isa nilang tropa.

Sa Tweet na agaw eksena na sa social media, sinorpresa ng magto-tropa ang isa nilang kaibigan na walang sariling kotse.

Di ito makapaniwala sa ginawang pagtutulungan ng kanyang mga kaibigan para lamang di na siya mahirapan lalo na sa kanilang mga lakad.

Lagi na lamang daw kasing dinadaanan lamang ang lalaking ito ng sinuman sa kanilang magkakaibigan at para di na ito mangyari, pinag-ambaganan ng magkakaibigan ang kotse para sa kanya.

Gulat na gulat ang lalaki na napaluha nang tuluyan na niyang buksan at upuan ang sasakyang matatawag na niyang sa kanya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, maging ang mga netizens ay humanga sa pagmamalasakit na pinakita ng magkakaibigan para sa isa nilang tropa.

Minsan daw talaga ang mga taong di pa natin kadugo ang siyang makakatulong pala sa atin at ganito nga ang nangyari sa di napangalanang lalaki.

Ayon pa sa isang komento, sana raw ay dumami pa ang ganitong samahan kung saan di nila hinahayaang may naiiwang isa bagkus sa iniaangat din nila ito upang mapabuti ang estado ng kanyang buhay.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning.

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel