Canadian, dumulog kay Raffy Tulfo para makausap ang misis na Pinay na naglayas

Canadian, dumulog kay Raffy Tulfo para makausap ang misis na Pinay na naglayas

-Bigla na lang daw naglaho ang kanyang asawang Pinay kung kaya nais sana niya itong makausap

-Ito ang idinulog ng isang Canadian sa tanggapan ng Raffy Tulfo in Action kasama ang kanyang biyenan na babae

-Ngunit napag-alamang mayroon na itong karelasyong lesbian ayon mismo sa nanay nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kasama ang biyenang babae ay dumulog sa tanggapan ng Wanted sa Radyo ang Canadian na si William Brown para makausap ang kanyang misis na bigla na lang naglaho.

Ayon sa kwento ni William, magkasama sila ng asawa nitong si Kathlyn Brown sa isang hotel nang bigla na lang siya nitong iwan.

Akala pa daw nito ay kumukuha lamang ng larawan nito ang asawa nang hiramin nito ang kanyang cellphone ngunit huli na nang matanto niyang binura na pala nito ang lahat ng may kaugnayan dito.

Maging ang ina nitong si Nona Cambarihan ay nakiusap rin sa anak na bumalik na lamang sa asawa.

Nang makausap naman ito ni Raffy Tulfo at tanungin kung bakit nito basta na lang iniwan ang asawa, sinabi nitong dahil sa magulong pamilya kaya siya lumayas.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayaw na rin daw nitong bumalik pa sa asawang si William.

Samantala, nang mag-usap ang mag-asawa ay masama ang loob ni William dito. Anito, hindi niya kailanman hinindian ang asawa sa tuwing humihingi ito ng pera sa kanya.

Nang sabihin pa ni idol Raffy na immature pa si Kathlyn, sinabi ng 71-anyos na Canadian na mautak at wais ito.

"She's smarter than you think. She pretends. She is a scammer."

Nangako pa raw si Kathlyn dito na sasama ito sa kanya sa Canada at ito ang mag-aalaga sa kanya kapag siya ay tumanda na.

Nagsinungaling pa nga daw ito nang sabihin nitong wala itong bisyo.

Sabi naman ng ina nito, dahil daw ito sa karelasyon nitong lesbian na kinilalang si Irene Torres.

Sa huli, nagkasundo ang dalawang panig na maghaharap sa programa upang maayos ang anumang gusot sa pagitan nila.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Independence Day: Would You Destroy Filipino Flag For Money? On June 12 we celebrate Philippines Independence Day. Let us see how seriously our people treat this holiday. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mang Inasal crew na nag-ala "Thor" sa pagbibigay ng extra rice, nag-viral

Mang Inasal crew na nag-ala "Thor" sa pagbibigay ng extra rice, nag-viral

Mang Inasal crew na nag-ala "Thor" sa pagbibigay ng extra rice, viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel