Lalaking pinakain ng maayos ang binatilyong naglalako ng merienda, hinangaan

Lalaking pinakain ng maayos ang binatilyong naglalako ng merienda, hinangaan

- Hinangaan ang isang lalaking naglilingkod sa Bureau of Fire Protection dahil sa pagmamalasakit niya sa isang binatilyo

- Inalok ng binatilyo ang BFP ng merienda ngunit imbis na bumili, pinakain niya ang naglalako

- Inakala pa ng netizen na ipakakain lang ng taga-BFP ang tira nilang pagkain kaya naman laking gulat nila ng bumili ito ng pagkain para sa binatilyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napabilib ng isang lalaki mula sa Bureau of Fire Protection ang netizen na si Nihs Jeny nang minsan silang kumain sa Chowking.

Kwento ni Nihs, katabi raw nilang mesa ang lalaki mula sa BFP kasama ang anak nito.

Di nagtagal, isang binatilyo ang lumapit sa mag-ama at nag-alok ng paninda nitong maruya.

Imbis na bumili, tinanong ng taga-BFP kung kumain na ang bintilyo. Sumagot ito ng hindi pa at pinaupo ng lalaki.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Akala ng binatilyo na ipakakain sa kanya ang tira ng mag-ama. Gayundin ang naisip ni Nihs ngunit laking gulat nila pareho nang makitang bumili na pala ang lalaki ng pagkain para sa binatilyo.

Agad na kumain ang binatilyo na talagang gutom na gutom na.

Natuwa at humanga si Nihs sa nagawa ng taga-BFP na bibihira na raw sa panahon ngayon.

Sana raw ay dumami pa ang tumulad sa lalaki sa pagpapakita ng malasakit sa kapwa niya ng walang halong panghuhusga kung anuman ang estado nito sa buhay.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning.

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Mang Inasal crew na nag-ala "Thor" sa pagbibigay ng extra rice, nag-viral

Mang Inasal crew na nag-ala "Thor" sa pagbibigay ng extra rice, nag-viral

Mang Inasal crew na nag-ala "Thor" sa pagbibigay ng extra rice, viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel