76-anyos Kapa member na may 1M donation, inatake sa puso

76-anyos Kapa member na may 1M donation, inatake sa puso

-Inatake sa puso at namatay ang 76-anyos na miyembro ng Kapa

-Ito daw ay matapos malaman na ipinasara ni Pangulong Duterte ang kontrobersyal na religious corporation

-Sa panayam sa media, nanawagan ang anak ng yumaong miyembro kay PRRD

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos umanong malaman na ipinasara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kapa-Community Ministry International Inc. (Kapa), isang miyembro nito ang inatake sa puso.

Ayon sa ulat ng Inquirer, namatay si Percival Alojado, 76-anyos mula sa Polomolok, South Cotabato dahil sa atake sa puso.

Sa panayam sa anak nitong si Ambrose, sinabi nitong umabot sa P400,000 ang donasyon nito noong Enero 2019 at makatatanggap na sana ng tinatawag na "blessing" pagkaraan ng isang buwan.

Ngunit sa halip na tanggapin ito ay pinili nitong i-donate ang pera sa pangalan ng kanyang pitong anak at mga apo.

“My father pawned our farm lot for P400,000 and used it to join Kapa in January this year,” anito.

“After a month, he was supposed to start receiving the so-called “blessing” but opted to donate more in the names of his seven children and grandchildren.”

“He donated P150,000 in my name, but I have yet to receive the “blessing” or “payout” or “love gift,” dagdag pa nito.

Sabi pa nito ay tumubo na raw ang pera ng kanyang tatay simula noon at umabot hanggang P1 million hanggang noong Hunyo 8.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya naman nanawagan ito kay PRRD na muling hayaang magpatuloy ang Kapa upang makuha nila ang kanilang pera.

Matapos ipasara ang Kapa ay ini-utos naman ng pangulo ang pag-aresto sa founder nito na si Pastor Joel Apolinario.

Sa pamamagitan ng isang Kapa media, nagbigay ng mensahe si Apolinario para sa pangulo na ngayon ay nakakalaya pa.

“Have mercy, my beloved President, I have more than 5,000 employees in my various investments like a banana plantation, fishing firms, gas station, school, and hospital, please unfreeze my assets,” sabi nito.

Ayon pa sa ulat, pinaghahanap ng gobyerno si Apolinario, ang misis nito na si Reyna at ang ilang tauhan nito.

76-anyos Kapa member na may 1M donation, inatake sa puso

Photo source: Screen grab from Super Radyo Davao
Source: Facebook

Sa isang ulat ng KAMI, sinupalpal naman ng isang writer si Trillanes matapos nitong hikayatin ang mga miyembro ng Kapa na magsampa ng impeachment laban kay Pangulong Duterte.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Independence Day: Would You Destroy Filipino Flag For Money? On June 12 we celebrate Philippines Independence Day. Let us see how seriously our people treat this holiday. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Marjorie Barretto, may buwelta tungkol sa kumakalat na photos nina Julia Barretto at Gerald Anderson

Marjorie Barretto, may buwelta tungkol sa kumakalat na photos nina Julia Barretto at Gerald Anderson

Marjorie Barretto, may resbak tungkol sa kumakalat na photos nina Julia Barretto at Gerald Anderson
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel