Dating kasambahay na nag-iipon ng barya pang-enrol, nabiyayaan ng scholarship

Dating kasambahay na nag-iipon ng barya pang-enrol, nabiyayaan ng scholarship

- Hinangaan ang ginawa ng isang dating kasambahay na nagawang maka-ipon ng barya pambayad ng kanyang matrikula sa kolehiyo

- May isa na itong anak na kanya ring pinapa-aral

- Inulan siya ng biyaya kasama na ang scholarship na handog sa kanya hanggang sa siya ay makatapos ng kolehiyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masasabing huwaran talaga si Erna Correo, isang dating kasambahay na kahanga-hanga ang diskarte sa buhay.

Napansin siya ng programang Mission Possible ng ABS-CBN dahil sa minsan nang nag-viral ang kwento niya sa Facebook dahil sa pagbabayad niya ng kanyang matrikula na puro barya.

Dating kasambahay si Erna. Noon pa man, maswerte siyang pinayagan ng amo na pumasok sa Alternative Learning system ng Department of Education. Kinakitaan kasi siya ng mga amo ng pagpupursigi sa pag-aaral.

Ngayong kolehiyo na siya, kinakailangan niya ang mas mahabang oras sa paaralan kaya naman nagpasiya na si Erna na bitawan ang trabaho sa pagiging kasambahay. Upang may kitain, nagtitinda siya ng merienda lalo pa at hilig din naman talaga niya ang magluto.

Second year college na siya ngayon sa kursong HRM. Bukod sa pag-iipon ng kanyang pang-matrikula, kinakailangan din niyang suportahan ang kanyang anak.

Ito rin ang dahilan kumbakit walang humpay si Erna sa pagtupad ng pangarap upang mabigyan ng magandang buhay ang anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At dahil marami na ang pinagdaanan ni Erna, nararapat lamang masuklian ang mga paghihirap niya.

Binigyan siya ng full scholarship hanggang makatapos ng ICCT Colleges kung saan siya nag-aaral.

Biniyayaan din siya ng bread and pastry training ng Academy Asia kung saan mabibigyan siya ng National certificate na maari niyang magamit sa ibang bansa.

Narito ang kabuuan ng kwento ni Erna:

Walang pagsidlan ng kaligayahan si Erna sa mga natanggap na biyaya. Malaki ang pasasalamat niya sa mga taong tumulong sa kanya sa pagkamit ng mga ito at mas lalo pa raw siyang magpupursigi upang makamit ang mga pangarap na malapit na niyang makamit.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning.

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel