Huawei, nangako ng "full refund" kung di gumana ang Gmail at FB sa inyong cp

Huawei, nangako ng "full refund" kung di gumana ang Gmail at FB sa inyong cp

- Nangako ng 'full refund' ang Huawei sakaling di na gumana ang Gmail at Facebook sa kanilang mga smartphones at tablet

- Ito ay matapos umugong ang balitang di na umano maaring ma-download ang Google at Facebook sa mga Huawei devices

- Lahat ng ito ay kaugnay sa pag-ban ng US sa Chinese company na hinihinalang may kapasidad na mag-ispiya gamit ang kanilang hardware

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-anunsyo na ang Huawei Technologies na magbibigay sila ng 'full refund" sa kabuuang halaga ng Huawei device na nabili sa Pilipinas.

Ayon sa Yahoo Philippines, handang ibalik ng Huawei ang halagang pinambili ng kanilang smartphones at tablets ng mga Pinoy kung di na gumana pa ang Google at Facebook sa mga ito. Ito ay kaugnay ng pagkaka-blacklist ng US sa nasabing kompanya.

Nalaman ng KAMI na ang full-refund programme na ito ay kung hindi na magagamit ang mga naturang applications lalo na sa mga users na may nasa dalawang taon nang gamit ang kanilang mga Huawei devices.

Kinumpirma ito ngayon lamang Miyerkules, Hunyo 19 ngunit di pa sila nagbigay ng iba pang detalye ukol dito.

Matatandaang magkasunod na nag-anunsyo ang Google at Facebook ng pagpuputol ng kanilang ugnayan sa Chinese company.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa naunang balita ng KAMI, pinahayag na ng Facebook na di na sila kasama sa mga pre-installed applications ng mga lalabas na Huawei devices.

Gayundin ang Google na nauna nang nag-anunsyo halos isang buwan na ang makalipas matapos magkaroon ng isyu ukol sa di umano'y sinasabi ng Amerika na may kakayanang mag-isipiya ang gamit na hardware ng Huawei.

Samantala, naghahanda na ang Chinese company ng sarili nilang operating system ngayong nagkakaproblema na sila sa Android OS at Windows OS.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning.

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Heart Evangelista, nag-throwback sa kanilang sweet Sorsogon prenup ni Chiz Escudero

Heart Evangelista, nag-throwback sa kanilang sweet Sorsogon prenup ni Chiz Escudero

Heart Evangelista, nag-throwback sa kanilang sweet Sorsogon prenup ni Chiz
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel