Burol at 2 batang nagluluksa, nasa gilid ng 1 court at gitna ng init ng araw

Burol at 2 batang nagluluksa, nasa gilid ng 1 court at gitna ng init ng araw

-Agad nag-beastmode ang mga netizens dahil sa larawan ng lamay sa gilid ng isang court

-Lalo pa at may dalawang bata na nagtitiis sa init at naglalamay sa tabi ng kabaong na yumaong minamahal

-Hindi ito pinalagpas ng mga netizens at agad tinawag ang pansin ng mga opisyales ng barangay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maraming puso ang winasak ng viral na larawan sa Facebook kung saan isang yumao ang pinaglalamayan ng dalawang bata sa gitna ng init sa gilid ng isang court sa isang barangay sa Batangas.

Spotted ng netizen na si Mohan Schzeik ang insidente at agad na in-upload sa social media.

Humingi ng tulong si Schzeik sa pamamagitan ng Facebook upang mapansin ang kaawa-awang lagay ng mga ito.

Wala man lang tent at tanging ilang upuan lamang ang naroon habang ipinagluluksa ng dalawang bata ang yumaong minamahal.

May tsansa pang umulan kung kaya naman mas lalo itong ipinag-alala ng mga netizens.

Agad tinawag ng mga ito ang pansin ang mga opisyal ng barangay San Pascual sa nasabing probinsiya at maging ang mga namumuno sa chapel na nasa malapit lamang sa court.

"Ang chapel para dapat sa lahat.abuloy ng mga tao ginagamit na funds dyan.tapos marami ka makikitang pulubi natutulog sa labas ng simbahan.wake up call sana ito."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Bakit hindi sa loob ng chapel? Is that humane? Nagtuturo ng kabutihan tungo sa kapwa pero bakit madamot? Ano na father."

"May chapel nman pla, bakit jan lng??anung gngwa ng brgy??tsk tsk tsk!!!"

"Nakakadurog ng puso. Sana sa loob nalang ng chapel iburol, ilang araw lang naman."

"Kelangan pa maging viral para magkaroon Ng maayos na burol myGod."

"Wala bang aksyon dito ang brgy.chairman nila? Kawawa naman."

"Gising mga tulog na opisyal ng batanggas..simpleng tulong pra sa burol..libreng palibing at masilungan pra sa lamay..haizt grabe naman."

"Anung ginagawa Ng kapitan nila dyan. Kahit sa brgy hall man Lang Sana."

"Mahirap na pinahirapan pa nio pamilya nito. anung klase naman yang lugar nayan mayor kapitan gising kailangan ng familya nito tulong nio."

"Yung tipong durog na durog kana dahil nawalan ka tpos ganito pa yung sitwasyon. Ano na mga politiko? Sa una lang kayo mapagbigay, nung nananalo na nganga nalang gnun?"

Samantala, matapos mag-viral, ayon sa isang netizen ay mayroon nang tumulong sa pamilya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Independence Day: Would You Destroy Filipino Flag For Money? On June 12 we celebrate Philippines Independence Day. Let us see how seriously our people treat this holiday. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel