PCG: Mga mangingisdang Pinoy, pwedeng makakuha ng danyos mula sa China

PCG: Mga mangingisdang Pinoy, pwedeng makakuha ng danyos mula sa China

-Ayon sa Philippine Coastguard, pwedeng makakuha ng danyos ang mga Pilipinong mangingisda na biktima diumano ng hit-and-run ng barko ng China

-Ito ay kung mapapatunayang may kasalanan nga ang sinasabing barkong nakabangga sa mga ito

-Samantala, ayon sa mga ulat, malaki na ang nabawas sa bilang ng mga barko mula sa China sa Recto Bank

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pwedeng makakuha ng danyos ang mga Pilipinong mangingisda na biktima ng diumano'y hit-and-run ng barko ng China, ayon sa Philippine Coastguard (PCG), batay sa panuntunan ng International Maritime Organization.

Ito ay kung mapapatunayan na nagkasala nga ang sinasabing barkong nakabangga sa bangka ng mga Pinoy.

Ang PCG ang siyang nagsasagawa ng Maritime Casualty Investigation na nakasentro sa mga salaysay ng mga mangingisda, ayon sa report ni Chino Gaston ng GMA News.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, sabi naman ni dating Amb. Alberto Encomienda, napapanahon na na magkaroon ng Cooperation Agreement ang Pilipinas, China, Vietnam at iba pang claimant states para maiwasan ang 'di pagkakaunawaan sa pinag-aagawang teritoryo.

Sabi naman ng ilan, huwag munang husgahan ang China dahil lang sa kagagawan ng ilan sa kanilang mamamayan at hintayin ang resulta ng imbestigasyon.

Samantala, ayon pa sa report, malaki na ang nabawas sa bilang ng mga fishing boats mula sa China na nasa Recto Bank batay sa isang satellite data noong June 17, 2019.

Sa isang artikulo ng KAMI, una nang naiulat na nagbigay na ng pahayag sa kauna-unahang pagkakataon si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa isyu.

Samatala, dismayado naman daw ang kapitan ng nabanggang barko ng mga mangingisdang Pinoy sa pahayag ni PRRD, na naiulat na rin ng KAMI.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Independence Day: Would You Destroy Filipino Flag For Money? On June 12 we celebrate Philippines Independence Day. Let us see how seriously our people treat this holiday. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel