Sa sobrang stress ni misis, ipina-Tulfo na niya ang asawang lasinggero

Sa sobrang stress ni misis, ipina-Tulfo na niya ang asawang lasinggero

-Humingi na ng tulong ang ginang na si Leonora sa progama ni Raffy Tulfo para maayos ang kanyang problema sa asawa

-Ayon dito, kapag nalalasing ang mister ay pinagsasalitaan daw siya nito ng masasakit na salita

-Ngunit humingi pa ng ikalawang pagkakataon si mister para maayos niya ang kanyang sarili at maging ang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi na ma-take ng ginang na si Leonora Ponce de Leon ang masasakit na salita mula sa asawa sa tuwing malalasing ito.

Kaya naman idinulog na niya ang reklamo sa programang Raffy Tulfo in Action para maaksyunan ang kanyang sitwasyon.

Anito, kung anu-ano pa ang ibinibintang nito laban sa kanya kapag nalalasing.

Siya lamang din daw ang kumakayod para sa kanilang pamilya dahil wala itong trabaho.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Noong una ay ipinayo pa ni Raffy Tulfo na hiwalayan na lamang nito ang asawa lalo pa at may lima silang anak na posibleng apektado na ng kanilang sitwasyon.

Nang makausap naman ni idol Raffy ang inirereklamong si Marlon Ponce de Leon ay humingi pa ito ng ikalawang pagkakataon.

Aminado ito na dahil sa labis pag-inom kung kaya siya nakakapagsalita ng hindi maganda.

Ayaw rin daw nitong masira ang kanyang pamilya kaya nangako ito na iiwas na sa alak at maghahanap ng regular na trabaho.

Sa tulong ng programa at ni idol Raffy ay muling nag-harap ang mag-asawa sa kanilang barangay upang magkaroon sila ng pormal na kasunduan at magkaroon ng kasiguruhan si Leonora.

Sa huli, ay nagkasundo na ring muli ang mag-asawa.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Independence Day: Would You Destroy Filipino Flag For Money? On June 12 we celebrate Philippines Independence Day. Let us see how seriously our people treat this holiday. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mang Inasal crew na nag-ala "Thor" sa pagbibigay ng extra rice, viral

Mang Inasal crew na nag-ala "Thor" sa pagbibigay ng extra rice, viral

Mang Inasal crew na nag-ala "Thor" sa pagbibigay ng extra rice, viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel