Couple na may dwarfism, pinatunayang ang pagmamahal 'di nasusukat ninuman

Couple na may dwarfism, pinatunayang ang pagmamahal 'di nasusukat ninuman

-Tunay ngang ang pagmamahal walang makakasukat kahit sino

-Pinatunayan ito ng mag-asawang parehong may dwarfism

-At para sa kanila, kahit na sila ay maliit mayroon naman silang malaking pag-ibig para sa isa't-isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Para sa bagong mag-asawa na sina Norvie at Vangie Bartolome na parehong may dwarfism, 'di masusukat ang kanilang pagmamahal.

Sa report ni Grace Alba ng ABS-CBN News, naibahagi sa marami ang tunay at wagas na pagmamahalan ng dalawa.

Ikinasal noong June 8, 2019 sa isang simbahan sa Laoag City ang dalawa.

Nagkakilala daw ang dalawa sa isang sari-sari store at sabi pa ni Norvie ay na-love at first sight daw talaga siya kay Vangie.

“Tumibok bigla ang puso ko," anito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isa sa kanilang matalik na kaibigan ay pinatunayan rin ang labis na pag-ibig ng dalawa na pinagtagpo daw talaga ng tadhana.

“Pinagtagpo sila, walang pinipili." sabi pa nito.

Si Norvie ay may taas na 3-foot-4 habang si Vangie naman ay 3-feet tall. Ngunit para sa kanila, ang pagmamahal nila ay hindi masusukat ng kahit na ano pa man.

“Wala sa height, basta magmahalan kayo, 'yun ang importante,” ayon kay Norvie.

“Kahit maliit kami, pinagtagpo kaming dalawa,” sabi naman ni Vangie.

Patunay lamang ito na kahit na anong kondisyon o sitwasyon ng bawat isa, mayroong isang nilaan para sa atin.

At ang tunay na pag-ibig, walang pinipili, walang sukat at walang pamantayan dahil ang puso ay kusang titibok sa taong inilaan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Independence Day: Would You Destroy Filipino Flag For Money? On June 12 we celebrate Philippines Independence Day. Let us see how seriously our people treat this holiday. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mang Inasal crew na nag-ala "Thor" sa pagbibigay ng extra rice, viral

Mang Inasal crew na nag-ala "Thor" sa pagbibigay ng extra rice, viral

Mang Inasal crew na nag-ala "Thor" sa pagbibigay ng extra rice, viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel