Single dad, labis na nasaktan nang malamang may asawa na ang ina ng kanyang anak

Single dad, labis na nasaktan nang malamang may asawa na ang ina ng kanyang anak

-Naging emosyonal ang call center agent at mais vendor na si Ken sa programang Wowowin

-Ang single dad kasi na mula sa Leyte, iniwan ng ina ng kanyang anak na mayroon na palang asawa

-Maging si Willie Revillame at ang mga audience hindi rin napigilan ang madala sa kanyang istorya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi inakala ng call center agent at mais vendor na si Ken na ang kanyang minahal na babae at ina ng kanyang anak ay mayroon na palang asawa at mga anak.

Naging emosyonal si Ken nang ibahagi ang kanyang kwento sa programang Wowowin kung saan isa siya sa mga contestant.

Kwento ni Ken, nagkakilala daw sila ng babae na isang OFW sa Kuwait sa Facebook at nagkapalagayang-loob.

Nang umuwi ito sa Pilipinas ay sa kanya umano ito tumuloy at nagsama sila ng ilang buwan hanggang sa magbunga ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit ang planong kasal sana ni Ken ay nauwi sa labis na sakit nang aminin nito na kasal na ito sa iba at ayaw raw nitong masira ang pamilya nito.

Kahit masakit ay nagawa pa rin niya itong itago ayon na rin daw sa pakiusap ng babae sa kanya.

Pero hindi pa roon natapos ang sakit na naramdaman ni Ken dahil pagkatapos na isilang ang bata ay tila daw ayaw nitong alagaan ang kanilang anak.

Matapos ang dalawang buwan ay umalis na ito sa kanyang poder.

At bagamat masakit para sa kanya ang lahay ay natutunan na rin daw niya itong tanggapin para mas mapagtuunan ng pansin ang anak.

Hindi na rin itinago pa ni Ken ang pait at pagdaramdam dahil na rin sa awa sa bata na kung kani-kanino na lang daw niya ipina-paalaga para patuloy na makapag-trabaho.

Nagpasalamat din ang single dad sa kanyang ina na patuloy na gumagabay sa kanya kahit pa may sarili na rin siyang anak.

Maging ang host na si Willie Revillame at mga audience ng programa ay 'di rin napigilan ang madala sa istorya ni Ken.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Independence Day: Would You Destroy Filipino Flag For Money? On June 12 we celebrate Philippines Independence Day. Let us see how seriously our people treat this holiday. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mang Inasal crew na nag-ala "Thor" sa pagbibigay ng extra rice, nag-viral

Mang Inasal crew na nag-ala "Thor" sa pagbibigay ng extra rice, nag-viral

Mang Inasal crew na nag-ala "Thor" sa pagbibigay ng extra rice, viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel