Prenup shoot sa Cebu, hinangaan ng mga netizens sa pagiging simple pero totoo
- Humanga ang mga netizens sa napaka-simple ngunit napaka-totoong prenuptial shoot na kuha sa Cebu
- Kuha ito partikular na sa Colon Street at sa Carbon Public Market
- Bukod sa pagiging natural ng ngayo'y mga bagong kasal na, kitang kita raw ang pagka-pusong Pinoy ng dalawa dahil sa mga kilalang lugar sa Cebu
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sa panahon ngayon na pabonggahan na maging sa prenuptial shoot pa lang, tumaliwas sa ganitong magagarang konsepto sina Charles Cañada and Juvale Embradora.
Sa mga larawan nilang binahagi ng Cebu Daily news, makikita kung gaano ka-simple ngunit napakasayang tingnan ng mga kuha nila sa kalye ng Colon at sa Carbon Public Market.
Simple ngunit napaka-totoo ng konsepto ng prenuptial shoot nina Charles at Juvale. Parehas lamang silang nakasuot ng puting pang-itaas at pantalon.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Makikita silang may hawak na manok, nakasakay sa traysikad at kumakain ng street foods.
Tuwang-tuwa maging ang mga netizens sa konseptong ito dahil bukod sa kakaiba, lumitaw din ang pagiging Pinoy ng ngayo'y kinasal na.
Sa kabila ng tindi ng init ng araw noong Hunyo 5 kung kailangan ito sinagawa, natapos nila ang shoot sa loob ng apat na oras.
Kinasal na ngayon lamang Hunyo 18 sina Charles at Juvale.
Ang kanilang stylist na si Geof Lagria ang nagbahagi ng mga larawan.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning.
Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh