Netizen, nanawagan sa Grab dahil sa awa sa isang Grab Food driver

Netizen, nanawagan sa Grab dahil sa awa sa isang Grab Food driver

-Beast mode ang isang netizen sa isang customer ng Grab Food

-Ayon sa netizen, nag-kansela ng order ang customer dahil nainip umano ito

-Ngunit ang hindi nito alam ay nangangailangan din ang driver ng Grab Food na ipinang-abono sa order sana nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tinawag ng isang netizen ang pansin ng Grab sa pamamagitan ng isang Facebook post kung saan awang-awa ito sa isang Grab Food driver.

Ayon sa netizen na si Jay Mark Pascual Bercasio, naki-upo sa kanyang mesa ang driver sa isang sikat na Pizza house sa isang branch ng SM.

Anito, halatang problemado ang driver na kinuhanan pa nito ng larawan bagamat nakatalikod ito.

Dahil sa concern, tinanong nito kung may problema ba ang driver.

Ayon sa post, kinansela umano ng isang customer nito order nito dahil naiinip daw ito.

"Tinanong ko kung ano nangyari. Nagcancel daw yung t**antadong umorder kasi naiinip, antagal daw nya."

Ngunit ang hindi alam ng customer ay pangbili sana ng driver ng diaper at vitamins ng anak nito ang ipinangbili nito sa order ng customer.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Dagdag pa nya, pangdiaper at vitamins sana ng baby nya yun. T*ena kung sino ka man, namumuhunan yung tao, siya din nageffort pumila tapos kacancel mo lang ng ganun ganun?" Sabi pa ni Bercasio.

Maging ang ilang netizens 'di rin nagustuhan ang nangyari sa Grab Food driver.

"Kawawa naman yung mga ganto lgi nalng ganto issue nila."

"Grab!!!!!!!!!!!!! GrabFood PH!!!!!!!!!! Di ako titigil i-tag kayo!!!!! #RemoveCancelOrder."

"Dpt payment first pag food.. Hayyy. Second time ko na makabasa ng same situation like this. Grab food driver n nman.. Huhuhu."

"Dear: Grab, Dapat No Cancel Option nalang, tanggalin nyo na sa App ung Cancel. Naghahanap buhay ng maayos tapos ganito? Nakakawa naman kasi ung mga Grab Drivers nyo na namumuhunan, ung hassle sa Pagpila, ung Traffic, ung hirap, Init at Gutom! Ano? Sila lahat magsususuffer?"

"Wala bng penalty ang grab sa mga customer n ganyan."

"Dapat wala ng cancel sa grab eh oh kaya payment first pag food. Grabe namumuhunan yung tao tas ganyan lang. Dapat aksyunan to ng grab eh."

"Dapat may charge pag nag pa cancel ammp kawawa yung ganyan."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Independence Day: Would You Destroy Filipino Flag For Money? On June 12 we celebrate Philippines Independence Day. Let us see how seriously our people treat this holiday. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel