8 transgender women, pinayagang magsuot pambabae sa kanilang graduation rites

8 transgender women, pinayagang magsuot pambabae sa kanilang graduation rites

- Pinayagan din isang araw bago ang kanilang pagtatapos ang walong transgender women na magsuot ng kanilang nais para sa kanilang graduation rites

- Gabi bago ang kanilang graduation, nakatanggap si Ivern Doroteo Arcache ng tawag at sinasabing pinapayagan na sila ng Tarlac State University na i-suot ang nais nila para sa kanilang graduation

- Minsan na kasing naging kontrobersyal ang isyung ito sa TSU nang sabihin ng pamunuan na di maaring magdamit pambabae ang mga transgender women dahil sa mga lalaki pa rin daw ang mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Walang pagsidlan ng kaligayahan si Ivern Doroteo Arcache nang malaman niya isang gabi bago ang kanilang graduation na maari na silang magsuot pambabae sa rites.

Sa naunang report ng KAMI, matatandaang umaapela noon ang nasa walong transgenders kasama na si Ivern na di pinayagan ng Tarlac State University na magdamit ng nais nila para sa kanilang pagtatapos.

"I felt really discriminated, I even said na mayroon pong mga operada na sa 'min, then she still said no dahil wala raw po kami respeto sa tradisyon at kultura," ayon kay Arcache sa unang panayam sa kanya.

Gabi bago ang kanilang pagtatapos, nakatanggap ng tawag si Ivern mula sa paaralan at sinasabing maaring magsuot ang mga tulad ni Ivern ng nais nila ayon sa pinili nilang kasarian.

Sa pagpasok nila sa lugar ng pagdadausan ng pagtatapos, nagsuot pa rin naman si Ivern ng barong ngunit tabas pambabae at slacks.

8 transgender women, pinayagang magsuot pambabae sa kanilang graduation rites
source: Ivern Arcache | Facebook
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nang makuha niya ang diploma, nagpalit na rin siya ng bestida na siyang nais niyang isuot sa araw na iyon.

Sa entablado, nagawa pa rin daw niyang kamayan ang mga pinuno ng paaralan upang ipakita na wala siyang sama ng loob sa mga ito.

Naisakatuparan man ang nais, hiling pa rin ni Ivern na huwag na sanang danasin pa ng mga estudyante ng paaralan ang naranasan niya mailaban lamang ang kanyang kalagayan bilang transgender woman.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning.

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: