Canadian travel blogger, super touched sa ginawa ng isang Pinay para sa kanya

Canadian travel blogger, super touched sa ginawa ng isang Pinay para sa kanya

-Sobrang natuwa at touch na touch ang sikat na Canadian travel blogger na si Kyle Jennermann sa isang Pinay na tumulong sa kanya

-Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, ibinahagi ni Jennermann ang ginawa nito para sa kanya na labis niyang ipinagmalaki

-Kilala ito sa bansa dahil sa pagmamahal na ipinakita sa Pilipinas na minsan na rin kinilala at nabigyan ng award

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila hindi makapaniwala si Kyle Jennermann o mas kilala bilang "Kulas", isang travel blogger mula sa Canada, na sa gitna ng kawalan ay mayroong isang Filipina ang walang pag-aalinlangang tutulong sa kanya.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page na BecomingFilipino ay ibinahagi ni Jennermann kung gaano niya na-appreciate ang tulong ng isang lokal na mamamayan ng Apayao.

Anito sa kanyang FB post, matapos niyang tawirin ang Mt. Kilang ay napunta siya sa daan kung saan isang ilog ang kanyang kailangang tawirin para makarating sa kanyang pupuntahan.

Ngunit ang problema ay kung paano niya idadaan dito ang kanyang scooter.

"15km after passing Mt. Kilang I found myself in a little bit of trouble. The road hit a river, and this was a deep and fast moving one." anito.

"Standing all alone in the mountains testing out the depth of the water... I was a bit worried! I could push on and risk crossing it, but if I dropped or flooded my bike."

Habang nag-iisip ng paraan ay bigla na lamang daw dumating ang isang babae kasama ang kanyang anak na may dalang saging.

"But then like magic... here came auntie out of the forest! She was carrying 5 bananas and her daughter 4 puso nga saging."

At ang una raw nitong sinabi ay: “Would you like a banana sir?”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi rin daw nag-alinlangan ang ginang na tulungan siya para maitawid ang kanyang scooter para hindi na raw siya mahirapan.

"Yup, this Yapayanon wanted to help me carry it across so I didn’t get into any trouble." sabi pa ni Kulas.

At hindi lang iyon, ang ginang pa raw ang bumalik para kuhanin ang kanyang bag.

Kaya naman halata ang labis na pasasalamat ni Jennermann sa kanyang FB post at ibinahagi pa ang kanilang mga larawan.

Para sa kanya, hindi raw siya natatakot na magbiyaheng mag-isa sa Pilipinas dahil napapalibutan siya ng mga Pinoy na handang tumulong sa kahit na sino man.

"Am I afraid to travel alone? No. Because here, I am never alone. I am surrounded by amazing Filipinas and Filipinos, like this lady from Apayao." anito.

Si Kyle Jennermann ay minsan nang kinilala at nabigyan ng award bilang Best Pinoy at Heart noong 2016.

Dumating si Jennermann sa Pilipinas noong 2013 dahil na rin sa panghihimok ng kaibigang OFW sa Hong Kong kung saan siya nakabase noon.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Independence Day: Would You Destroy Filipino Flag For Money?

On June 12 we celebrate Philippines Independence Day. Let us see how seriously our people treat this holiday. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel