Hiling na Mariah Carey cake, Marie Curie ang kinalabasan

Hiling na Mariah Carey cake, Marie Curie ang kinalabasan

- Naging usap-usapan sa Twitter ang cake na may mukha ni Marie Curie imbis na Mariah Carey

- Hiling ng babae na magkaroon siya ng Mariah Carey cake para sa kanyang kaarawan ngunit laking gulat nang ibang mukha ang lumabas

- Naaliw naman ang ilang netizens na kung sila raw ang makatanggap nito, matutuwa pa rin naman daw sila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon sa Twitterverse ang nakakatuwang pangyayari kung saan mukha ng chemist at physicist na si Marie Curie ang nasa birthday imbis na si Mariah Carey na siyang request nang may kaarawan.

Sa tweet ng netizen na si Harriet Alida Lye, pinakita niya ang kinalabasan ng cake na ibinigay sa kanyang pinsan na humiling ng Mariah Carey birthday cake sa kanyang mga ka-opisina.

Dalawang maimpluwensiyang tao sina Marie at Mariah.

Nakilala si Marie sa larangan ng Agham at Teknolohiya at dalawang beses na ring nanalo ng prestihiyosong gantimpala na Nobel prize habang si Mariah Carey ay kilalang international singer dahil sa mga birit niyang may kasamang pag-"whistle".

Gayunpaman, nagawa pa rin ng mga kaibigan ng may kaarawang si Siobhan na maipagpalit ang dalawang kilalang babae.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maari rin namang ang bakeshop, kung san ginawa ang cake, ang nagkamali sa paglalagay ng larawan ng scientist sa cake.

“My cousin in England told her colleagues she wanted a Mariah Carey birthday cake. They misunderstood and is the cake they made her instead. It’s Marie Curie, looking very festive," ang caption ng larawan.

Samantala, naaliw naman ang mga netizens sa pagkakamaling ito. Maging sila raw ay matutuwa pa rin naman, sakaling sila ang makatanggap ng cake.

Di raw nila masisisi na halos magkatunog nga ang pangalan nina Marie Curie at Mariah Carey.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Might get superpowers ... might get cancer... it’s really a toss up, but I bet radioactive cake tastes amazing"
"Frankly I don’t think they misheard her at all. This is so much better than...Mariah Carey..."
"It’s an amazing mistake. Absolute perfect."
"Marie is better."
"I'd be happier with this Marie Curie cake"

Mula nang mai-post noong Hunyo 15, umani na ng 209,000 likes at 46,500 comments ang naturang post.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning.

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel