Pres. Duterte, sumagot na sa "hit-and-run" issue vs China

Pres. Duterte, sumagot na sa "hit-and-run" issue vs China

-Sa kanyang talumpati kahapon sa 121st Philippine Navy Anniversary sumagot na si PRRD sa isyu ng "hit-and-run" laban sa China

-Anito, dapat na marinig rin ang panig ng China kaugnay sa isyu

-Pinaalalahan din ng pangulo ang Navy o mga sundalo na huwag na munang makialam sa isyu

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa isyu ng hit-and-run sa pagitan ng China at Pilipinas.

Sa kanyang talumpati kahapon sa ika-21 Anibersaryo ng Philippine Navy, sinabi ng pangulo na ang nangyari ay isa lamang maritime incident.

Sa ulat ng GMA News, nagpatutsada pa ito sa mga politikong pinalalaki pa raw ang isyu.

“Pero ‘yang nangyari diyan sa banggaan, that is a maritime incident. ‘Wag kayong maniwala sa mga politiko na bobo, gusto papuntahin yung Navy. You do not send gray ships there. Banggaan lang ng barko ‘yan, do not make it worse,” anito.

Sa isang ulat ng Inquirer, sinabi pa ni PRRD na hindi pa handa ang bansa sa nuclear war na posibleng ikapahamak ng marami.

“Alam ninyong mga sundalo, miscommunication lang patay na,"

"And we are not yet as ready, and we can never be ready in a nuclear war. Because in a nuclear war, kung bitawan lahat ‘yan, earth will dry up and we will all be destroyed, and that is the end of everything,”

At kaya hindi pa siya nagbigay ng pahayag kaugnay nito ay dahil kailangan pang imbestigahan muna ang insidente at marinig ang panig ng China.

“Maritime incident is a maritime incident. It is best investigated. And I do not issue statement because there is no investigation and there is no result. Then the only thing we can do is to wait and give the other party the right to be heard,”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Oh, China, marami ka man binigay, ano ba dito ang totoo? Oh tapos nag nangyari, ganito… Then let us sort, ano ang ma-sort natin diyan. Ano ang totoo?”

Una nang sinabi ni Chinese Foreign Ministry Spokesman Geng Shuang na ang insidente ay isa lamang “ordinary maritime accident”, na una nang naibalita ng KAMI.

“Dalawang bangka lang ‘yan. Now you go there and create a tension. I said, hindi ako gago na presidente na papayag noon. If we have to die, we must have to die in the correct way and to die with dignity. Hindi yung basta bangga ka nang ka-bangga diyan,”

Pinaalalahan din ng presidente ang Navy o mga sundalo na huwag munang makialam sa isyu.

“Just build on our own. ‘Wag muna tayong makialam. Do not allow a little maritime accident,"

At kung ang pangulo daw ang papipiliin ay gusto niyang agad na umaksyon ngunit wala na raw siya sa kanyang kabataan at mas inuuna na lamang ang kanyang responsibilidad bilang lider ng bansa.

"Kung ako lang ang papipiliin niyo, gusto ko ng aksyon. But I am not in my boyhood age anymore. I have a duty that is a burden, sometimes more than I can carry,” -PRRD.

Sa isa pang ulat ng KAMI, ilang senador ang kumundena sa insidente kabilang na ang ilang miyembro ng oposisyon.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Father's Day: Can You Call Your Dad Right Now?

As we celebrate Father's Day on June 16, HumanMeter approaches people in the streets asking them how much they love their dads. Random passers-by are calling their fathers right on camera to tell them the sweetest words... and the reactions are worth watching it till the end! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Filipino couple sa Arizona, arestado dahil sa pagkamatay ng isang senior citizen

Filipino couple sa Arizona, arestado dahil sa pagkamatay ng isang senior citizen

Mag-asawang Pinoy sa Arizona, sangkot sa pagkamatay ng isang senior citizen
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel