Tatay na fishball vendor, matagumpay na napagtapos ang 4 na anak

Tatay na fishball vendor, matagumpay na napagtapos ang 4 na anak

-30 taong tiniis ni tatay Claro Verzosa ang init at pagod para makapagtinda ng fishball na ipinang-tustos niya sa pamilya

-Sa kabila nito, hindi ito nagreklamo kahit pa muntik na rin niya itong ikamatay

-Ngunit ang lahat ng kanyang sakripisyo at pagti-tiyaga ay nagbunga na dahil lahat ng kanyang anak ay napagtapos na niya sa kolehiyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sabi nga ng marami, madaling maging tatay ngunit mahirap magpaka-ama. At ang istorya ni Claro Verzosa ay isang halimbawa nito.

Mula nang maging viral ang Facebook post ng anak nito na nagpapasalamat sa kanyang sakripisyo hanggang sa maitampok ito sa programang Rated K, marami ang humanga dito.

Hindi naman kasi biro ang pinagdaanan nito bilang isang fishball vendor na kung minsan raw ay nakaranas ng diskriminasyon mula sa iba.

Ngunit sabi ni tatay Claro, hindi importante sa kanya ang kanyang pride at higit sa lahat ay ang kanyang responsibilidad sa mga anak ang inuna niyang isipin.

At kahit pa napakatinding sikat ng araw pa o pagod sa araw-araw na paglalako nito ay hindi niya ininda, makapag-tinda lamang para sa pamilyang umaasa sa kanya.

Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang kamuntikan nang ikapahamak ni tatay Claro nang ma-hit-and-run siya noon.

Dahil dito, napilitan siyang tumigil sa pagtitinda ng fishball at pinalitan naman siya ng kanyang misis.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pero na-stroke ito at napilitan muling magtinda si tatay Claro kahit pa nga iika-ika siya at hirap maglakad.

Ang lahat ng ito ay napalitan ng saya at pagmamalaki nang mapagtapos niya ang kanyang apat na anak sa kolehiyo.

Ang panganay na anak niya ay nagtapos ng kursong Associate in Computer Science, ang kanyang ikalawang anak naman ay nagtapos ng kursong BS Commerce Major in Management.

Habang ang kanyang ikatlong anak ay nagtapos naman ng BS Computer Science at ang bunsong anak nito ay nagtapos ng BS Management in Human Resources.

Lahat ng ito ay may maayos na ring hanap-buhay at kasalukuyan na silang nakatira sa kanilang sariling tahanan sa Cebu kasama ang kanilang minamahal na magulang.

At siyempre pa, wala nang mas sasaya pa sa kanilang mga narating kung hindi ang kanilang mga magulang na pinag-alayan nila ng tagumpay.

Tunay ngang ang lahat ay kayang gawin ng isang magulang para sa kabutihan ng kanilang mga anak.

At hindi kailanman masusukat ang pagmamahal ng isang ama o ina sa kanilang anak kahit pa anong dumating na pagsubok sa kanila.

Mula sa KAMI, lubos kaming humahanga sa mga tatay o nanay na katulad ni tatay Claro!

Sa isang artikulo ng KAMI, naitampok rin ang isa pang amang fishball vendor na nakapagpatapos ng anak sa pagtitinda nito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Father's Day: Can You Call Your Dad Right Now?

As we celebrate Father's Day on June 16, HumanMeter approaches people in the streets asking them how much they love their dads. Random passers-by are calling their fathers right on camera to tell them the sweetest words... and the reactions are worth watching it till the end! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel