OFW sa Hong Kong, na-scam ng kakilala ng halos 1M matapos magpanggap na lalaki
- Isang Pinay OFW sa Hong Kong ang na-scam ng halos 1 milyong piso ng kanyang naging kakilala
- Nagpanggap kasi itong lalaki at naging karelasyon niya kahit hindi sila nagkikita ng personal
- Umani ito ng samu't-saring reaksyon mula sa netizens
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isang OFW sa Hong Kong na si Cheryl Bartina, 33 anyos, nagta-trabaho bilang babysitter ang dumulog sa tanggapan ng 'Raffy Tulfo in Action.'
Nalaman ng KAMI na inirereklamo niya ang kakilala niya na si Renerose Ogayre, 30 anyos, dahil gumawa ito ng poser account para lokohin siya at huthutan ng pera.
Nadamay din si Vincent Montenegro, may asawa at mga anak, dahil picture niya ang ginamit sa panloloko kay Cheryl.
Ayon sa kuwento ni Cheryl, nakilala niya si Renerose bago siya pumunta ng Hong Kong para magpa-medical.
Gusto raw ipakilala ni Renerose sa kanya ang pinsan nito para maging ka textmate niya.
Kaya naman noong nasa Hong Kong na siya, nagulat nalang siya at biglang nagparamdam sa kanya sa social media ang nagpakilalang 'pinsan' ni Renerose.
Ang hindi alam ni Cheryl, si Renerose lang din pala ang kumontak sa kanya.
3 years and 5 months daw nagtagal ang panloloko sa kanya at nakapagpadala na siya ng halos 1 milyong pera at mga gamit.
Bumili pa si Cheryl ng wedding ring para sana sa nalalapit nilang kasal, ang masaklap pa, nagpadala pa siya ng maseselang pictures kay Renerose na ginamit ding pang blackmail sa kanya.
Gumamit daw umano si Renerose ng isang app para maging boses lalaki ito, kaya napaniwala talaga niya si Cheryl na lalaki siya.
Noong isang beses ay nag-yaya si Cheryl mag video call at aksidenteng napindot ni Renerose ang "accept" kaya laking gulat ni Cheryl nang makita niya na si Renerose pala ang kanyang ka-chat.
Watch the video below:
Iba-iba ang naging reaksyon ng mga netizens dito pero marami ang sumisisi kay Cheryl kung bakit siya nagpaloko at nagpadala ng ganun kalaking halaga.
"3 years and 5 mons ate? Di mo man lang naka videocall? Eh muntanga ka din ate. May kasalanan ka din"
"Hay naku. sana gnamit ni ate utak nya.3yrs pero d ka man lang nanigurado bago ka magpadala ng pera,hay naku!"
"At kasalan mo din grl..bkt d ba kayo nagvedeocall.xempre tatawagan mo xa at magkausap kayo..if d xa humarap sa vedeo it means panloloko talaga ginawa nya.."
"Hays bat kc naniniwla agad dapat pag may money involved na magduda kna specially hindi mu man lng nka Video call if Totoong sya yun"
"Hesus ko, Bakit ka nagpa Loko dyos mio, malakas ang wifi sa hongkong bkit di ka nag video call"
"Bawal magsalita ng tapos. Mahirap magsalita about sa katangahan niya. Kasi pwede yan mangyari sainyo. Pag nasa position niya kayo, I'm sure mahuhulog din kayo. Magaling mag research yung scammer, tbh."
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Sa nakaraang report ng KAMI, isang Pinay DH sa Kuwait, huli sa akto ng kapwa Pinay employer na may kalaguyong iba.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
In this video of Tricky Questions, we asked people to answer some Pinoy riddles! Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!
Source: KAMI.com.gh