Agaw eksenang 'groufie' ng isang tour guide, kinagiliwan ng mga netizens

Agaw eksenang 'groufie' ng isang tour guide, kinagiliwan ng mga netizens

- Kinagiliwan ng netizens ang nakakatuwang "groupie" ng kanilang tour guide

- Lumabas kasing blurred ang larawan ng mga turista at ang tanging malinaw lamang ay ang mukha ng tour guide

- Habang ang ilan ay natuwa, ang ilan naman daw ay nakuha pang i-bash ang tour guide na pinagtanggol naman ng netizen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di inaaasahan ng netizen na si Kim na magba-viral ang kanyang simpleng post tungkol sa 'groupie' picture nila na kuha sa kanilang outing noong Hunyo 12 sa El Nido Palawan.

Sa post, mapapansing blurred ang grupo nina Kim habang ang tour guide nilang si Mang Victor lamang ang tanging malinaw sa larawan.

Di nila agad ito napansin at nang makita nila ito habang naglilipat na ng litrato noong sila ay nasa bangka na, natawa na lamang sila nang makita ang resulta.

Kwento pa ni Kim, alam din naman ni Mang Victor na ipo-post niya ito sa Facebook.

Naka-portrait kasi ang iphone xr na ginamit sa pagkuha ng larawan. Kaya bilang si mang Victor ang malapit at may hawak ng camera, siya lamang ang malinaw na nakunan dito.

Pampa-good vibes lang naman daw talaga ang mga larawan at wala namang intensyon si Kim na pahiyain ang kanilang tour guide. Laking gulat lamang niya nang may mga "nagalit" at tila nagawa pang i-bash si Victor sa pagkakakuha nito ng larawan.

Samantala, marami pa rin namang netizens ang natuwa sa post na ito na umabot na sa 84,000 reactions, 9,600 comments at 49,000 shares ang naturang post na ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"Yong ang gnda nga ng pose nyu sa likod tpos blur pla"
"Tawang tawa ako dito, mautak si kuya... hehehehhe"
"Magawa nga rin to sa tropa ko... ang kulet!"
"Nakaka-relate ako dyan. nangyari na rin samin ganyan..."
"There's nothing wrong with this post heheheh ang cool nga at cute eh..chill Lang po tau"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning.

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Marjorie Barretto, may buwelta tungkol sa kumakalat na photos nina Julia Barretto at Gerald Anderson

Marjorie Barretto, may buwelta tungkol sa kumakalat na photos nina Julia Barretto at Gerald Anderson

Marjorie Barretto, may resbak tungkol sa kumakalat na photos nina Julia Barretto at Gerald Anderson
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel