Batang babae, labis ang hinagpis nang ma-hit-and-run ang kanyang aso

Batang babae, labis ang hinagpis nang ma-hit-and-run ang kanyang aso

-Labis-labis ang hinagpis ng isang batang babae sa isang viral video nang mamatay ang kanyang alagang aso

-Sa video na kuha ng isang netizen makikita ang bata na pumapalahaw ng iyak habang pilit na ginigising ang kawawang aso

-Ayon sa FB post, biktima ang aso ng hit-and-run

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Halos maglupasay ang isang batang babae sa isang viral video matapos na masagasaan at mamatay ng kanyang alagang aso.

Ayon sa post ng Facebook page na Ijuanderer, biktima ng hit-and-run ang kawawang aso.

Sabi sa FB post, isang truck umano ang nakasagasa dito ayon sa bata.

Hindi naman ito matanggap ng batang babae na pilit pang ginigising ang kanyang alagang aso.

Pumapalahaw rin ito ng iyak sa gitna ng kalsada at tila bale-wala rito ang sikat ng araw dahil sa kanyang labis na pagluluksa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maging ang mga netizens ay nadala rin ng kalungkutan ng bata para sa nasawing alaga.

Umabot sa mahigit dalawang milyon ang views nito, 50,000 shares at 34,000 na reactions mula sa mga Facebook users.

"My heart breaks!! RIP doogie."

"I feel you baby girl so much crying god bless."

"Rest in peace doggie..I have dog also and I love it too..Kaya relate aq sa pain Ng little girl."

"Omg this makes me cry."

"Sa mga motorista, mag-iiingat at magdahan-dahan po tayo sa pagmamaneho. Hayop ang tingin natin sa kanila pero sa ibang tao lalo na sa paningin ng isang bata, isang kapamilya o kaibigan ang nawala sa kanila."

"Aso sa paningin ng iba pero pamilya sa mga katulad kong may alagang aso , mahal namin ang mga alaga namin."

"Mabuti pa ang bata may damdamin at pagmamahal sa alaga nya."

Samantala, viral ngayon ang biglaang pagkamatay ng binansagang "loyal askal" na si Bubuy matapos itong ma-hit-and-run din na una nang naiulat ng KAMI.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Father's Day: Can You Call Your Dad Right Now?

As we celebrate Father's Day on June 16, HumanMeter approaches people in the streets asking them how much they love their dads. Random passers-by are calling their fathers right on camera to tell them the sweetest words... and the reactions are worth watching it till the end! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel