Negosyante, bumili ng nasa 10,000 bisikleta para ipamigay sa mga estudyante

Negosyante, bumili ng nasa 10,000 bisikleta para ipamigay sa mga estudyante

- Naisipang bilhin ng negosyanteng si Than Tun Win o mas kilala bilang Mike ang mga 'bike for sharing' na ginamit sa iba't ibang bansa

- Ipamimigay niya ito sa mga batang naglalakad lamang papasok sa paaralan sa Myanmar

- Labis na hinagaan ang proyekto niya ito na tinawag niyang lesswalk.org

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sadyang kahanga-hanga ang ginawa ng negosyanteng si Mike Than Tun Win na nakatulong sa napakaraming kabataan ng bansang Myanmar.

Pinalad na makapag-aral sa Singapore si Mike at naging matagumpay. Nang bumalik siya sa Myanmar, doon niya nakita ang hirap ng kalagayan ng mga estudyante na madalas maglakad papasok ng paaralan.

Sa kanyang pagbabalik sa bansang kinagisnan, saksi siya sa kung paano matiyagang nilalakad ng mga estudyante maging maliliit pa lamang ang kanilang eskwela.

Dahil dito nag-isip si Mike ng paraan kung paano matutulungan ang mga batang ito.

At pumasok nga sa isip niya ang mga bisikleta sa Singapore na tinatawag na "bike for sharing."

Di raw ito naging matagumpay doon kaya naman gumawa siya ng paraan na mabili ang mga bisikletang nakatengga na lamang at wala nang gumagamit.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakalikom siya mula sa bansang Singapore, Japan, Taiwan at Netherlands. Umabot ng nasa 10,000 bisikleta ang nabili niya. Pinaayos niya ito, pinalitan ang mga automatic locks ng regular locks.

Ang ilan pa sa mga bisikleta niyang ginawa ay may backseat na maaring magamit ng estudyanteng may nakababatang kapatid upang maisabay nila ang mga ito sa pagpasok sa paaralan.

At para tiyaking ligtas ang mga bata, inuuna niyang bigyan ang mga grade 7 hanggang grade 10 na mga estudyante.

Dahil sa lumalaki at lumalago ang kanyang proyekto, tinawag niya itong lesswalk.org

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning.

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Marjorie Barretto, may resbak tungkol sa kumakalat na photos nina Julia Barretto at Gerald Anderson

Marjorie Barretto, may resbak tungkol sa kumakalat na photos nina Julia Barretto at Gerald Anderson

Marjorie Barretto, may resbak tungkol sa kumakalat na photos nina Julia Barretto at Gerald Anderson
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel