Cute na ID pictures ng nursery students, nagmistulang pang-resume

Cute na ID pictures ng nursery students, nagmistulang pang-resume

- Kinagiliwan ng mga netizens ang cute na cute na rush ID pictures ng dalawang nursery

- Nagmukha kasi itong parang panglagay sa Resume' na siyang binibigay pag nag-a-apply ng trabaho

- Viral na ang larawan ng batang ito dahil sa nakakaaliw na kinalabasan ng kanilang larawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bilang unti-unti nang nagsisimula ang klase sa mga pampribadong paaralan, uso na naman ang pagpapakuha ng ID picture.

Isa na rito ang anak ng netizen na si Macoy N Grace na nagpakuha ng rush ID picture.

May caption ang kanyang post na "To kuya na nag-picture at print nito,Para po sa school id, di po sa resume. Nursery palang po ang anak ko, di pa po mag-aapply ng trabaho..."

Mapapansin kasi na edited ang larawan at nakasuot na ng suit ang nursery student na animo'y mag-a-apply ng trababaho.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Gayunpaman, marami ang natuwa sa kinalabasan ng larawan. Katunayan, umabot ng 133,000 positive reactions ang post, 79 comments at 59,000 shares.

Tuwang-tuwa ang mga netizens sa ID picture na binagayan naman daw ng cute na bata.

Samantala, maging ang anak ng netizen na si Rosalyn Bade ay halos ganito rin ang kinalabasan.

Nagmistulang magsisipag-hanap ng trabaho ang mga batang magsisimula pa lang namang mag-aral.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning.

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Marjorie Barretto, may buwelta tungkol sa kumakalat na photos nina Julia Barretto at Gerald Anderson

Marjorie Barretto, may buwelta tungkol sa kumakalat na photos nina Julia Barretto at Gerald Anderson

Marjorie Barretto, may resbak tungkol sa kumakalat na photos nina Julia Barretto at Gerald Anderson
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel