Presenya ng Prime Minister ng Canada sa Pinoy community roon, binatikos

Presenya ng Prime Minister ng Canada sa Pinoy community roon, binatikos

- Naging usap-usapan ang pakikihalubilo ni Prime Minister Justin Trudeau ng Canada sa mga Pinoy sa Filipino Community roon

- Habang ang ilan ay natuwa sa magandang gawi na pinakita ng PM, may ilang tila duda sa ginawa niyang ito

- Kamakailan kasi ay may dumating na tone-toneladang basura na galing sa Canada dito sa ating bansa kaya naman madali itong naiugnay ng mga mapang-matyag na netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang mga larawan ng Canadian Prime Minister na si Justin Trudeau kung saan makikitang nakikihalubilo ito sa mga Pinoy sa Filipino community roon.

Binahagi ito ng Philippine Star na mismong kuha naman sa Twitter ng Prime Minister.

Makikita sa larawan na tila sumubok ng mga Filipino dishes si Trudeau, nakipagkwentuhan at nakipagtawanan sa mga nadatnang Pinoy doon.

Dahil dito, inulan ng iba't ibang reaksyon ang mga larawan.

Habang ang iba ay natutuwa sa pinakitang pagpapakumbaba ng Punong ministro ng Canada, ang ilan naman daw ay nahihiwagaan sa ginawa niyang ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang samu't saring mga naging reaksyon ng publiko uko sa larawan:

" Ganyan... wag mo gagalitin ang mga Pinoy dahil mababait sila. Pero pag ginalit mo, atapang atao!"
"Totoo ba yan? baka naman bukas may basura na naman dito ah?"
"Most Canadians hate him, he's so fake..."
"Actually, he's a good man naman, so let's not question his gesture of being nice"
"Canadian PM the best in the entire world...thanks for supporting pinoy dish"

Maaalalang nitong nagdaang buwan, nakapagbato ng maaanghang na salita si Pangulong Duterte laban sa Canada dahil sa mga dumating na tone-toneladang basura dito sa bansa mula roon.

Tila di ito nakalimutan ng ilan nating kababayan kaya naman ganoon na lamang ang naging reaksyon nila nang makitang dumalaw ang PM sa Pinoy community sa FV foods sa Canada.

Samantala, mapapansin naman sa mga sumunod niyang tweets na marami pa naman talaga siyang komunidad na pinuntuhan at di lamang ang sa mga kapwa Pinoy natin sa Canada.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning.

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel