Viral na newly grad na anak na di na-blowout sa 'Jollibee', nag-celebrate na

Viral na newly grad na anak na di na-blowout sa 'Jollibee', nag-celebrate na

- Minsan nang nag-viral ang post ng newly grad na si Ryan Russel Reyes tungkol sa ama na walang pang-blowout sa kanya sa kanyang pagtatapos

- Naisakatuparan na ang ninanais na selebrasyon ng ama para sa anak sa Araw pa ng mga ama

- Marami ang natuwa sa kaganapang ito na nararapat lamang sa mag-ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Minsan nang nai-ulat ng KAMI ang viral post ng kaka-graduate lamang na si Ryan Russel Reyes.

Sa kanyang post nabanggit niya ang nasambit ng kanyang ama na ""Nak, pasensya na wala pa ako pera eh, kain sana tayo sa labas, kahit jollibee lang sana" na labis na umantig sa puso ng mga netizens.

Imbis na sumama ang loob ni Ryan, nagbahagi pa ito ng tagos sa pusong mensahe sa ama. Sinabi nito na ang araw ng kanyang pagtatapos ay di lamang para sa kanya kundi para sa kadakilaan ng kanyang tatay na isang driver.

Nitong Hunyo 15, isang araw bago ang selebrasyon ng Father's day, naisakatuparan ng Jollibee ang nais ng ama na magkaroon ng salo-salo para sa anak.

Ngayon, nagmistulang doble ang selebrasyon dahil bukod sa blowout para sa graduation ni Ryan, pinagdiwang din ang Father's day para sa ama nitong si Tatay Hector Reyes.

Ginanap ito sa Jollibee PGH, Taft na dinaluhan din ng kanilang pamilya at kaanak.

Sa mga larawang kuha ni Martin San Diego ng Rappler bakas ang kasiyahan sa mukha ng mag-ama at kanilang pamilya.

Muli na namang natunaw ang mga puso ng mga netizens na natuwa para sa surpresang nakamit ng mag-amang Ryan at Hector.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Aw sweet ni jollibee thank you pinasaya mo sila"
"Wow!!! Nakarating Kay Jollibee Ito!! Yey!!! Ikaw na Jollibee ...."
"Nakaktuwang makita na nag-celebrate na ang mag-ama, ang saya nilang tingnan"
"This is so touching... thanks Jollibee. tama ang ginawa niya at bida talaga ang saya sa inyo"
"Look at their smiles... priceless!"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning.

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel