Estudyanteng may kakaibang sakit sa kalamnan, nakapagtapos pa rin ng kolehiyo

Estudyanteng may kakaibang sakit sa kalamnan, nakapagtapos pa rin ng kolehiyo

- Hinangaan si Danilo Soria Jr. na nakapagtapos pa rin ng kolehiyo sa kabila ng matinding karamdaman

- Huminto man ng isang taon dahil sa sakit na muscular dystrophy, napagtagumpayan pa rin niyang tapusin ang kursong Bachelor of Science in Architecture sa Tarlac State University

- Matinding sakripisyo ang kanyang ginawa sa pag-aaral lalo pa at maaga siyang pumapasok dahil sa hirap umano itong lumakad patungo sa kanyang klase

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umani ng papuri ang 24 anyos na si Danilo Soria Jr. na may kakaibang sakit sa kalamnan na tinatawag na muscular dystrophy dahil sa nagawa pa rin nitong magtapos ng kolehiyo.

Ayon sa ulat ni Maria Adelaida Calayag ng Inquirer. net, nagtapos si Danilo Jr. ng kursong Bachelor of Science in Architecture sa Tarlac State University nitong Biyernes, Hunyo 14.

Nalaman ng KAMI na nagmalasakit pa umano ang mga kaklase ni Danilo na hanapan siya ng wheelchair sa takot na baka matumba na lamang ito sa entablado. Nakakuha naman sila kaya si Danilo mismo ang tumanggap ng kanyang diploma.

Ang sakit na muscular dystrophy ay isang uri ng karamdaman na siyang nagiging sanhi ng panghihina ng mga kalamnan.

Estudyanteng may kakaibang sakit sa kalamnan, nakapagtapos pa rin ng kolehiyo

photo source: Alexrael Caculitan
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Second year high school pa laman siya nang ma-diagnose ng ganitong karamdaman.

Isang taon ding nahinto sa pag-aaral si Danilo ngunit makalipas nito, oo ang sagot niya ng tanungin siya ng ama na si Danilo Soria Sr. kung nais niya bumalik sa pag-aaral.

Di naman niya binigo ang ama at siya nga ay nakatapos ng kolehiyo kahit pa aminado itong hirap sa araw-araw na pagpasok sa paaralan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning.

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Marjorie Barretto, may buwelta tungkol sa kumakalat na photos nina Julia Barretto at Gerald Anderson

Marjorie Barretto, may buwelta tungkol sa kumakalat na photos nina Julia Barretto at Gerald Anderson

Marjorie Barretto, may resbak tungkol sa kumakalat na photos nina Julia Barretto at Gerald Anderson
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel