Paaralan sa Imus, hinangaan dahil sa pagpapa-tiles ng buong school ground

Paaralan sa Imus, hinangaan dahil sa pagpapa-tiles ng buong school ground

- Nag-viral ag mga larawan ng Imus National High School dahil sa tiles ang buong school ground nila

- Bibihira kasi na ang isang pampublikong paaralan ay naka-tiles maging ang kanilang school ground

- Habang ang ilan ay pinuri ang ginawa na ito sa paaralan, may ilan pa ring di napigilang bumatikos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang Imus National high school dahil sa nagawa nilang ipa-tiles ang kanilang school ground.

Sa mga larawan na binahagi rin ng News 5, halos saan tumingin sa paligid ng paaralan ay naka-tiles na. Una na itong nai-post ng punungguro ng nasabing paaralan na si Arturo Rosaroso.

Naisakatuparan ang proyektong ito sa tulong ng Local Government unit, Non-Government Offices, Alumni organization, GPTA, Civic Society, Rotary Club of Imus, SDO at Stakeholders.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Marami ang humanga sa proyektong ito lalo na at bibihira itong maisagawa sa mga pampublikong paaralan, Narito ang ilan sa mga positibong komento ng netizens:

"Aakalain mong di public school!"
"Ang linis tingnan, buti pa sila..."
"Nagmukhang sosyal ang paaralan, ang galing ng head nila!"
"Good job Imus national, sana all..."
"Parang ang sarap mag-aral sa ganyan kaayos na school"

Samantala, habang marami ang namangha sa proyekto ng paaralang ito, may ilan namang di mapigilan mabatikos ito.

"Maganda pero mas maganda sana kung puro puno nalang tinanim sa school"
"Anung god job, ang init nyan tapos pag ulan init matatangal yan kasi walang tiles tumitibay sa exterior lalo na sa floring. Maganda payan kasi bagong tapos, tsaka madulas yan pag umoulan"
"ok sana kaso ang init nyan mas maganda sana kung grass mkikita at lalakaran mas malamig at sana maraming puno"
"Magnda tingnan lng, pro hnd ligtas pra sa mga studyante yan, isa p g dahilan ang dagdag n init n maidudulot ng tiles"

Dahil sa mga komentong ito, isang netizen na nagngangalang Ronnie Papa Yohan ang dumepensa sa konsepto ng paaralan. Ito ang kanyang pahayag:

"Mgbigay lng po ako ng konting background sa paaralang yan...bgo po yan naipatiles...sementado n po yung bung ground..at bkit po pinasemento dhil napakaputik po kpg tag ulan at halos d magamit ang field..kc kng tag ulan d nman agad matutuyo po un....lumobo ang enrolment.. ngsisiksikqn po yung mga bata...kkhit d n po maulan ..d p rin mgamit ..gawa ng maputik....kya.. po unti unti sinikap po ito n masementuhan...laking bagay po at tulong ng itoy masementuhan..dhil kpag tumila n ang ulan . Ngagamit p rin po ng mag aaral....pinatiles po ito ng sumunod na pamunuan...pra higit mas lalo pa pong mkatulong s mg aaral..dhil kpg lumilim n po dyan ..nggamit po iyqn ng mga mg aaral sa,ibat ibang outdoor activitis... lubha pong magastos kng bricks po ang ggmitin dhil sementado n nga po..kylangan mo pang ipabakbak ...pra maserve tlg ang purpose kpg bricks ang ginamit....kya ang tiles pong ginamit dyan ay pang out door....yan po ay magiging mdulas tlga kpg hindi inalagaan ..at hinayaang mgkalumot.......mas praktical po sa paaralan ang knilang gnwa..at sa halos dlwang taon n po iyang andyan..nsubok at nkita n po yung kpakinangan nito.."

Umabot na sa 17,000 reactions, 3,000 comments at 5,900 shares ang naturang post.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning.

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica