Graduation rites na ginanap sa open field sa kainitan ng araw, inulan ng batikos

Graduation rites na ginanap sa open field sa kainitan ng araw, inulan ng batikos

- Binatikos ang pagsasagawa ng graduation rites sa open field kung saan nabilad ang mga estudyante sa tindi ng init ng araw

- Tinalang nasa 23 ang nakaramdam ng pananakit ng ulo, pagsusuka, diarrhea at lalo na ang dehydration

- Hindi man lamang daw ito nakita ng mga pamunuan ng paaralan na maaring mangyari ang mga ganitong insidente sa mga estudyante

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inulan ng batikos ang pagsasagawa ng graduation rites ng University of Eastern Philippines sa open area kung saan matindi ang sikat ng araw.

Ayon sa Philippine Star, nasa 23 na estudyante ang nakaramdam ng hilo, pananakit ng ulo, pagsusuka, dehydration at maging diarrhea.

Mapapansing may mga magkakatulad na payong na gamit ang mga magsisipagtapos, ngunit sa labis na pagkabilad sa araw, di kinaya ng iba sa kanila.

Taliwas naman ito sa graduation kung saan nasa open field din ang mga estudyanteng magsisipagtapos at sila naman ay inulan. Una na itong naibalita ng KAMI.

Dahil dito, di natuwa ang karamihan ng netizens sa kanilang nakita. Hindi manlang daw kasi ito napagtanto ng pamunuan ng paaralan na labis na mapanganib ang mabilad sa araw.

Kaawa-awa raw ang mga estudyanteng nakaramdam ng kung ano-anong sakit na hindi nagawang magsaya sa espesyal na araw sa kanilang buhay mag-aaral.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"University walang covered court? Woooow naman. Mabuti pa kendergarten, elementary at high school dito sa amin gawa pa nang paraan para maka pagawa nang covered court. San ba napunta ang tuition or other fees na binayaran nang nga student."
"Kawawa binilad pala sila e"
"Juice ko naman kayo alam ng mainit pano mabibolad pa kayo. Sana gabi nyo na ginawa"
"Look at your doings, organizers/committee"
"Sila yung nag adjust sa availability ng guest speaker, dati afternoon naman kami. Ngayon lang naging ganyan. Pwedi naman kumuha ng ibang speaker eh. Di yung no choice yung sched. Huhu"
"grabe nman yan.tsk tsk parusa yan ah"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning.

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel