Nilatag na kondisyon ng isang kasambahay, 'di umubra kay Idol Raffy

Nilatag na kondisyon ng isang kasambahay, 'di umubra kay Idol Raffy

- Isang kasambahay ang nagreklamo sa tanggapan ni Idol Raffy

- Inirereklamo niya ang kanyang senior citizen na amo dahil umano sa pagsapok nito sa kanya

- Pero kondisyon ni ate, hindi umubra kay Idol Raffy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang kasambahay na si Marlene Rebueno, 50 anyos, kasambahay, ang dumulog sa tanggapan ng 'Raffy Tulfo in Action.'

Nalaman ng KAMI na inirereklamo niya ang kanyang senior citizen na amo na si Ligaya Habaradas, 70 anyos, matapos daw siyang sapakin sa mukha at sabunutan nito.

Ayon sa kuwento ni Marlene, pinagbibintangan daw siya na nagnakaw ng mga gamit sa bahay ng kanyang amo.

Napagalaman din ni Idol Raffy na bukod kay Marlene ang kasama lang ng kanyang amo sa bahay ay ang kanyang anak na babae at ang apo niya rito.

Matapos din daw pagbintangan si Marlene ng pagnanakaw ay 3 linggo itong nawala dahil may inasikaso raw siyang problema sa kanilang pamilya.

Depensa naman ni Lola, itinatapat daw ni Marlene ang pag day off niya tuwing walang tao sa bahay kaya hindi nai-inspect ang mga gamit niya.

At sa bandang huli ay gustong magpabayad ni Marlene sa mental trauma raw na dinulot ng pananakit ng amo niya sa halagang PHP50,000 at gusto rin niyang ipa-hold ang pagpunta ng kangyang amo sa abroad.

Prinangka naman ni Idol si Marlene na naniniwala siya sa matanda kaya humingi siya ng paumanhin dito dahil hindi niya ito matutulungan at mas mabuting idulog niya sa kinauukulan ang kanyang hinaing.

Watch the video below:

Maraming netizens ang nagpahayag ng kani-kanyang opinyon matapos nilang mapanood ang video. Mas marami rin ang naniniwala sa matandang amo ni ate.

"Mukhang nagsasabi naman ng totoo si lola,Kaya minsan nakakatakot kumuha ng kasambahay."
"puntahan niu bahay ng kasambahay at mag imbestiga sa mga kapitbahay alam ng kapitbahay yan"
"hahaha kala ni ate makakalusot na sya pera na naging bato pa"
"50k hindi pa sya mukhang pera nun hahahaha Like mo to kung naniniwala ka na sanay magnakaw si ate, nakahanap pa ng paraan mkapera sa matanda."
"Omg ate kapapaniwala po si Lola. Nakakahiya ka pa punta2 ka jan kay Sir Raffy"
"Hindi daw sya mukhang pera.."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, isang wedding coordinator, ginawang bangungot ang dream wedding ni bride.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this video of Tricky Questions, we asked people to answer some Pinoy riddles! Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel