Joey de Leon, nag-post ng throwback pic nila ni Kawhi Leonard sa pagkapanalo ng Raptors

Joey de Leon, nag-post ng throwback pic nila ni Kawhi Leonard sa pagkapanalo ng Raptors

- Nag-post si Joey de Leon ng throwback pic nila ni Kawhi Leonard matapos manalo ng Raptors

- Ito ay ibinahagi ni Eat Bulaga Henyo Master sa kanyang social media

- Bumuhos naman ang parehong masayang mga netizens sa post ni Joey

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napa-throwback si Eat Bulaga Henyo Master Joey de Leon ng larawan nila ng basketball superstar na si Kawhi Leonard matapos mapanalo ng grupo nitong Toronto Raptors ang first NBA title nila at spotted ng KAMI ang pagbuhos ng mga parehong masayang mga fans ng MVP 2019 NBA Finals.

Ani pa ni Pinoy Henyo Master sa kanyang caption sa throwback post:

"Congrats pareng Kawhi Leonard and the Toronto Raptors for getting into this year’s NBA Finals! Hindi na kita kakamayan at baka mapilayan pa ako!"

Narito naman ang ilan sa mga komento na aming naispatan sa post mula sa mga netizens:

"Most humble NBA superstar."
"Omg!! Kaingit naman idol"
"First time in the history of the Raptors to @angpoetnyo! "
"Very humble guy, seldom seen smiling though... @kawhi #kawhileonard"
"Nagsama ang Henyo masters"

Ang naturang throwback photo ni Eat Bulaga Pinoy Henyo Master Joey de Leon na kasama si Kawhi Leonard ay kuha noong 2014, ayon pa sa balita ng gmanetwork.com.

Ito ay kuha nang bumisita ang NBA superstar sa bansa.

POPULAR: Read more news about Joey de Leon here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel