Klase sa loob ng mga musuleo sa Cebu, pag-asa para sa ilang pamilya roon

Klase sa loob ng mga musuleo sa Cebu, pag-asa para sa ilang pamilya roon

-Hindi man komportable, naging araw-araw na rin na buhay ng ilang sa ating mga kababayan ang manirahan sa loob ng sementeryo

-Maging ang pag-aaral doon ginagawa na rin ng ilan sa loob ng mga musuleo

-Pangarap ng mga ito na balang-araw ay makaalis sila sa kasalukuyan nilang sitwasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagsisilbing silid-aralan para sa ilang mga bata ang mga musuleo sa ilang sementeryo sa Cebu.

Sa isang dokumentaryo ng Reporter's Notebook ng GMA News TV, naibahagi ang sitwasyon ng ilang nating mga kababayan na naninirahan sa loob ng mga sementeryo.

Hindi lingid sa atin na mayroong mga mamamayan ang nananatili at naninirahan sa loob ng mga musuleo ngunit ang pagka-klase sa loob nito ay tila kakaiba pa para sa marami sa atin.

Nakapanayam ng programa ang gurong si Mary Jane na siyang day care teacher na nagtuturo sa loob ng musuleo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa kwento ni teacher Mary Jane, proyekto ito ng isang non-government organization na mula sa bansang Germany.

Layunin nito na maturuan ang mga batang naninirahan sa mga sementeryo at hindi na mahirapan pa.

Ayon sa mga nanay na nakapanayam ng mga ito, malaking tulong para sa kanila ang proyektong ito.

Bukod kasi sa hindi na nila aalalahanin ang kanilang mga anak na magklase sa malayo, hindi na rin nila problema ang malayong biyahe papunta sa malapit na eskwelahan sa kanila.

Ang mga musuleo na ginagamit nila teacher Mary Jane at ng mga estudyante ay mayroong mga dekorasyon na parang sa isang classroom.

Ngunit bukod rito ay ang mga nakahimlay na mga namayapang tao na katabi lamang nila sa araw-araw.

Hindi naman ito bago para sa mga bata na tila hindi naman nakakaramdam ng takot kahit pa nga nakakakilabot para sa iba ang kanilang sitwasyon.

Para sa mga batang ito na hindi nagpapatalo sa hirap ng buhay, mayroong mga tumutubong pangarap sa kanilang mga magulang.

Na balang-araw ay makaka-alis rin sila sa sitwasyong tila hindi na nila magawang makalaya pa.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning. Check out all of our exciting videos -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Single dad, labis na nasaktan nang malamang may asawa na ang ina ng kanyang anak

Single dad, labis na nasaktan nang malamang may asawa na ang ina ng kanyang anak

Single dad, labis na nasaktan nang malamang may asawa na ang ina ng kanyang anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel