Estudyanteng nagsuot ng kapote sa graduation, hinangaan sa pagiging responsable

Estudyanteng nagsuot ng kapote sa graduation, hinangaan sa pagiging responsable

- Viral ang video ng estudyanteng dumalo ng kanyang graduation na may dalang kapote

- Nagamit niya ito dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan sa kanilang graduation rites

- Natutunan daw niya ang pagiging alisto sa kanyang tatay Ernesto na isa palang sundalo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Habang ang ilan ay natuwa, mas marami ang humanga sa estudyante sa viral video na nakasuot ng kapote sa kanyang graduation.

Nalaman ng KAMI na orihinal na post ito ng netizen na si Cha Chi Lian Edra kung saan, nakunan niya ng video ang estudyanteng si Renz Hover Pagtey na nakasuot ng kapote sa kasagsagan ng ulan habang sinasagawa ang kanilang graduation rites.

Habang ang karamihan ay tila aligaga na sa kanilang pwesto dahil sa basang-basa na sila sa ulan, naka-upo lamang si Renz dahil tila napaghandaan niya ang pag-ulan sa mahalagang araw niya ng pagiging estudyante.

Mula kasi sa 2,000 na estudyanteng nagsipagtapos sa Mariano Marcos State University sa Ilocos Norte nitong nakaraang linggo, tanging siya lamang ang nakaisip na manigurong magdala ng kapote para sa okasyon.

"Nakita ko kasi na maulan kaya wala namang masama kung magdadala ako ng kapote," ani Renz sa panayam sa kanya ng ABS-CBN.

Namana niya ang pagiging responsable at alisto sa sundalong ama na si Ernesto.

Kwento pa ni Renz, lagi rin siyang kakakitaan ng rosaryo sa bag. Di rin siya ngpapawala ng pagkaing dala araw-araw.

Lahat nang ito ang bahagi ng disiplina sa kanya ng retiradong sundalong ama.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning.

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
‘It’s Showtime’ hosts funnily faint after hearing the answer of a contestant

‘It’s Showtime’ hosts funnily faint after hearing the answer of a contestant

‘It’s Showtime’ hosts hilariously faint after hearing the answer of a contestant
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel