Kwento ng bride at ng nakatanggap ng puso ng kanyang ama, nagpaluha sa netizens

Kwento ng bride at ng nakatanggap ng puso ng kanyang ama, nagpaluha sa netizens

- Usap-usapan sa Instagram ang kwento ng bride na sinamahang paglalakad papuntang altar ng lalaking nakatanggap ng puso ng kanyang ama

- Pumanaw ang ama ng bride at nag-desisyon ang pamilya nilang i-donate ang puso nito

- Marami raw ang napaluha sa kwentong ito na umantig sa mga puso ng mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakamamangha ang post ng Instagram user na si Nina Volka tungkol sa nakakaiyak na kwento ng bride na si Jeni Stepien-Lynne.

Sa nakakaluhang Instagram post, sinabing pumanaw ang ama ni Jeni sa pamamaslang nang pauwi ito mula sa trabaho noong 2006.

Dahil sa masaklap na sinapit ng ama, nagdesisyon ang kanilang pamilya na i-donate ang ilang bahagi ng katawan nito.

Nagkataong agaw-buhay naman noon si Arthur Thomas at ang nakapagdugtong ng kanyang buhay ay ang puso ng ama ni Jeni na si Michael.

Nabuhay ng maayos si Arthur at nagpadala ito ng "Thank You" note sa pamilya nina Jeni.

Mula noon ay di na naputol ang komunikasyon ni Arthur sa pamilya ni Jeni.

At nang dumating ang araw ng kasal ni Jeni, hiniling nito kay Arthur kung maari siya nitong samahang maglakad patungo sa altar.

Pinagbigyan ni Arthur ang anak ng may-ari ng puso niya. Kaya naman sa araw ng kasal ni Jeni si Arthur ang tumayong ama niya na naghatid nga sa kanya sa altar.

Naging usap-usapan ang kwento na ito sa Instagram at labis na naantig ang puso ng mga netizens.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"I'm not crying, you are!"
"Such an awesome gesture"
"Where’s my tissues? Life is so amazing"
"This is so sweet! beautiful and touching"
"Such a beautiful story of love and hope, God bless your souls"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning.

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Final episode: Scammer, lumuhod at nagmakaawa kay ate na OFW na nakuhaan niya ng halos 1M

Final episode: Scammer, lumuhod at nagmakaawa kay ate na OFW na nakuhaan niya ng halos 1M

Final episode: Scammer, lumuhod at nagmakaawa kay ate na OFW na nakuhaan niya ng halos 1M
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel