Netizen, hinikayat ang iba na bumili sa lolo tindero na naglalako sa footbridge

Netizen, hinikayat ang iba na bumili sa lolo tindero na naglalako sa footbridge

-Hinikayat ng isang netizen ang iba pa na bumili ng tinapay sa isang matandang tindero na na-spot-an nito sa isang footbridge

-Ibinahagi pa nito sa social media ang ilang larawan ng masipag na lolo

-Mayroon namang mga netizens ang nagsabing madalas nilang makita ang lolo at sinabing masayahin ito sa kabila ng hirap na nararanasan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang netizen ang hinihikayat ang iba na bumili ng tinapay sa isang lolo tindero na agad namang nag-viral sa Facebook.

Sa pamamagitan ng social media ay ibinahagi ng netizen na si Benj Samson ang ilang larawan ng isang matandang vendor na nakita nito sa isang footbridge malapit sa SM North Edsa.

"If u see Lolo on the footbridge of sm north edsa, buy from him pls even if u dont need to. Hardworking and good people like him des anerves much more." ani Samson sa caption nito.

Sa larawang ibinahagi ng netizen, makikita ang isang nakangiting lalaki na sa kabila ng edad ay kumakayod pa rin.

Tila hindi nito alintana ang pagod at hirap ng kanyang sitwasyon para kumita ng maliit na halaga.

Samantala, mayroong mga netizens naman ang nagsabing madalas nilang makita ang lolo tindero sa footbridge.

Ayon sa ilang nakita at nakausap pa ito ay masayahin raw si lolo at madalas na makipag-biruan pa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Umulan at umaraw daw ay nagtitinda ang matandang vendor, sabi naman ng ilan.

Marami ang humanga dito dahil sa kanyang kasipagan at maging sa kanyang ipinamamalas na katatagan.

Umabot sa 42,000 ang reactions at 54,000 ang shares nito sa Facebook. At maraming netizens ang nagpahayag na nais nilang tulungan si lolo.

Marami rin ang nag-tag sa sikat na Kapuso program na Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS).

"Kapag nagpunta tayo daan tayo dito para bbli ako kay lolo."

"Mabait yan si lolo inaabutan ko tuwing dumadaan ako sm north."

"Hi tanong ko lang po if anong oras niyo nakita si tatay sa footbridge para po madaanan ko rin thank you!"

"Awww. Nakausap namin to minsan. Napakajolly may mga hugot hugot pa si lolo. Ang bait at bolero maganda raw ako. Godbless you po 'tay."

"OMG i will find him."

"God bless you always Tatay! You reminded me of my late grandfather."

"I ALWAYS buy his spanish bread!!!"

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning. Check out all of our exciting videos -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
‘It’s Showtime’ hosts funnily faint after hearing the answer of a contestant

‘It’s Showtime’ hosts funnily faint after hearing the answer of a contestant

‘It’s Showtime’ hosts hilariously faint after hearing the answer of a contestant
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel