Binata, tumigil sa pag-aaral para pag-aralin ang nobyang maaga niyang nabuntis

Binata, tumigil sa pag-aaral para pag-aralin ang nobyang maaga niyang nabuntis

-Hindi naging hadlang kanilang batang edad para tumayo sa kanilang sariling mga paa

-Nanatiling matatag at matured ang mag-asawang Gracia at Marlo na maagang naging magulang sa edad na 18

-Si Marlo, tumigil sa pag-aaral para maitaguyod ang kanyang nobya pa noong si Gracia at mapagtapos ng kolehiyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinahanga ng mag-asawang Gracia at Marlo ang karamihan sa audience at viewers ng Kapuso show na Wowowin kamakailan.

Isa sa mga contestant si Gracia at dito na naibahagi ang kanilang kwento.

Ayon dito, maaga siyang nabuntis ng kanyang nobyo pa noong si Marlo.

Ngunit sa kabila ng kanilang batang edad, tumayo ang dalawa sa kanilang sariling mga paa.

Huminto sa pag-aaral si Marlo upang maitaguyod ang kanyang nobya at ang anak nila.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Habang si Gracia ay patuloy na nag-aral kahit pa nga ito ay nagda-dalang-tao na.

Malaki ang pasasalamat ni Gracia sa asawa na hindi naging makasarili at inuna ang kanilang kapakanan.

At dahil nakapagtapos na siya ng kolehiyo, ito naman ang kanyang pag-aaralin.

Nagpasalamat rin si Gracia sa kanyang mga magulang na tumanggap at tumulong sa kanila sa kabila ng kanilang kapusukan.

Ani pa nito, nagpapasalamat siya sa ama at ina dahil hindi ito nagtanim ng sama ng loob sa kanilang mag-asawa bagkus ay tinulungan pa sila.

Humanga rin si Willie Revillame sa katatagan nina Gracia at Marlo na kahit pa nga mga bata pa ay nanatiling magkasama para sa pangarap nilang dalawa.

Samantala, sa isang article ng KAMI, isa namang dating gangster ang nagbago para mapag-aral ang kanyang nobya na nagtapos naman bilang cumlaude.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning. Check out all of our exciting videos -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ryan Bang gets emotional after kissing Angelica Panganiban on the lips

Ryan Bang gets emotional after kissing Angelica Panganiban on the lips

Ryan Bang gets emotional after kissing Angelica Panganiban on the lips
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel