Doktor: Pamilya ni Eddie Garcia, walang planong alisin ang life support nito

Doktor: Pamilya ni Eddie Garcia, walang planong alisin ang life support nito

-Walang planong alisin ng pamilya ni Eddie Garcia ang life support nito ayon sa spokesperson ng pamilya Garcia

-Sa update na inilabas nitong Huwebes, nanatiling nasa "comatose state" pa rin ang beteranong aktor

-Nagpapasalamat naman ang pamilya nito sa mga taong patuloy na nagdarasal para kay Manoy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"As of the moment, wala pa pong decision. Definitely they don't want to let go,"

Ito ang naging pahayag ni Dr. Tony Rebosa, ang spokesperson ng pamilya Garcia kaugnay sa kasalukuyang lagay ng beteranong aktor na si Eddie Garcia.

Ayon sa ulat ng GMA News, nananatiling matatag ang pamilya nito at walang planong tanggalin ang life support nito.

Sa huling update ng medical bulletin ng mga doktor ni Manoy sa Makati Medical Center sa lagay nito nitong Huwebes, nananatiling nasa "comatose state" pa rin ito at naka-depende lang sa ventilator at medications para masuportahan ang blood pressure nito., sa ulat ng DZBB.

"He's on a ventilator, meaning sinu-suportahan lang yung paghinga niya," ani Dr. Rebosa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa isang ulat mula sa KAMI, sinabi ni Lillibeth Romero, ang long-time partner ni Manoy, na idineklara na itong dead on arrival sa unang ospital kung saan ito isinugod.

Ayon naman kay Dr. Rebosa, nagpapasalamat ang pamilya Garcia sa lahat ng mga taong nagdarasal at nagmamahal para kay Manoy.

"The family would like to convey their gratitude to everybody who has been giving them full support, love and prayer," anito.

Patuloy na humihingi ng mga dasal ang pamilya para sa beteranong aktor.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning. Check out all of our exciting videos -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Sen. Gatchalian proposes to teach financial literacy in senior high school

Sen. Gatchalian proposes to teach financial literacy in senior high school

Sen. Gatchalian proposes to teach financial literacy in senior high school
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel