Misis, nangutang para pampiyansa ni mister, nang makalaya, si kabit ang sinustentuhan ni kuya

Misis, nangutang para pampiyansa ni mister, nang makalaya, si kabit ang sinustentuhan ni kuya

- Isang ina ang dumulog sa Raffy Tulfo in Action at inireklamo si mister

- Si kabit at mga anak ni kabit ang nakikinabang sa kita ni mister

- Naghihinagpis si misis dahil di siya nabibigyan ng asawa ng panggatas at pampaaral ng mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog si Michelle Ombao, 37, sa Raffy Tulfo in Action at inireklamo ang mister na si Christopher Ombao.

Nalaman ng KAMI na may ibang babae si Christopher na nagngangalang Joan, na inamin din naman ni Christopher.

Sinabihan pa niya si Idol Raffy na hindi naman daw lahat ng kinikita niya ay napupunta kay kabit.

Pero ang sabi ni misis, at idiniin niyang, may mga testigo siya sa mga pinaggagagawa ni Christopher.

Mismo mga anak niya raw ang nagsabi sa kanya na, "Mama, si papa at si Joan naghahalikan sa bahay natin!"

Di lang iyan ang inirereklamo ni ate dahil halos hindi sila nabibigyan ng asawa ng panggastos at panggatas.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kuwento ni ate, "Mga anak ng babae, ultimo mga barkada, pinapakain mo! Mga anak mo, di mo mabigyan ng panggatas!"

"Pati anak kong panganay di na nag-aaral dahil sa babae na yan! Sinira niya ang buhay namin!"

Si Idol Raffy nagpahayag ng pagkainis kay Christopher at sa mga ginagawa nito sa kanyang pamilya. Si Michelle naman ay sobrang sama ng loob at nais talaga niyang mapakulong si Christopher at si Joan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Kiana Valenciano, kinuyog ng mga netizens matapos kumain ng balut

Kiana Valenciano, kinuyog ng mga netizens matapos kumain ng balut

Kiana Valenciano, kinuyog ng netizens matapos kumain ng balut
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel